Friday, October 17, 2008

Ano ang k'wento sa likod ng Peseta ni Hudas?


ANG PESETA NI HUDAS

Ang “Peseta ni Hudas” ay nilikha ng dalawang manunulat para sa pinilakang tabing.
Napasakamay ng isang “batikan na premyadong” director(?) Sa kasalukuyan ay isinasa-pelikula na ang “Peseta”. Tatlong bantog na mga komedyante ang bida sa pelikula.

Pero sa kasamaang palad, ang mga tunay na umakda ay hindi binayaran at sinabi nang tahasan sa kanila na wala sila sa credits.

Ang Peseta ni Hudas ay may masalimuot na pagbabagong dinaanan hanggang makarating sa final working script. Para mai-kumpara ito sa lalabas na pelikula, nagdesisyon kami na i-post dito ang synopsis muna.

Kaya medyo hindi tugma ang poster sa title kase dito na nagsimula ang pamumulitika ni Reyes. Una ay ipinasok niya ang character ni Mr. Vic Sotto sa "Iskul Bukol" sitcom, at mali pa ang ibinigay na pangalan at spelling.

TAGUMPAY!!! (Pahabol post: The event described here -- binayarang script -- happened a month ago. Bayad na, bakit kiyaw pa nang kiyaw? answer: This only proves na may nagka-dambulan ngang naganap. Hindi na ito tungkol sa pera. Tungkol ito sa pagdarambol!

Nakarating sa isa sa mga producers ng pelikula ang reklamo ng tunay na mga may akda ng konsepto ng “Ang Huling Peseta Ni Hudas”. Kinausap at nagtagpo ang kilalang producer at ang dalawang manunulat sa isang kainan sa Greenhills area.


Naramdaman ng producer ang hinanakit ng dalawang pobreng manunulat. Inilahad ng mga manunulat ang mga ebidensya. Nangako ang producer na pag aaralan niya ang kaso at tatawagan muli ang dalawang manunulat.


Makaraan ang halos tatlong lingo, nagkita-kita muli ang sila doon uli sa restoran sa Greenhills. Sinabi ng producer na matapos niyang suriin at pag aralan ang reklamo ng dalawang manunulat, natuos n'ya na nasa katuwiran ang mga manunulat at karapat dapat mabayaran at mabigyan ng tamang credit sa pelikula. Kinabukasan, dumaan ang dalawang anak sining sa opisina ng producer at kanilang kinuha ang TSEKE na kabayaran sa kanilang obra. Hindi kalakihan, pero malaking tagumpay ang nangyari at nagpapasinungaling sa claim ng direktor (kuno) na hindi niya ginamit ang konsepto.

Biruin nyo, pinag tuonan ng oras ng kilalang producer na suriin ang reklamo ng dalawang walang pangalan na manunulat -- isang akusasyon sa pangungulimbat laban sa isang sa batikan na Director na matagal na n'yang kasama at ka trabaho! Direktor, na nag akyat ng milyon-milyon piso sa mga nagawa nyang pelikula! Direktor, na iniidulo ng lahat ng Direktor, dahil taon-taon ay talagang tumatabo ng husto sa takilya ang kanyang pelikula! Direktor na kaibigan niya noon pa man!

Kaya ng humingi ng tulong ang batikan na director sa dalawang uhuging manunulat ay walang mapaglagyan ang kanilang kasiyahan. Sa laki ng pag galang at paghanga ng dalawang pobre sa director, ay hindi man lang sumagi sa kanilang isipan na lolokohin lang pala sila ng director.


Nang una nilang ipinabasa ang isang pahinang konsepto sa director ay halos manlaki ang mga mata ng director sa tuwa.


“Ang Huling Peseta Ni Hudas” ay halos pitong buwan na isinulat ng dalawang manunulat. Pagkatapos ng apat na script revisions ay nag desisyon ang director na isingit ang Iskul Bukol na storya sa script, na sadyang ikinatuwa ng dalawang manunulat. Naisip nila na lalong lumaki ang scope ng pelikula sa karagdagan ng tropang Iskul Bukol. Sinabi ng director sa dalawang manunulat na isasama nya ang dating manunulat ng Iskul Bukol sa proyekto, kasi ini-request daw sya ng pangunahing bida ng pelikula. 'Yun na ang huling oras na nakausap ng dalawa ang director, walang text, walang tawag man lang ang director.

Lumipas ang anim na buwan napag alaman ng dalawang manunulat na ginagawa na ang pelikula sa ibang bansa. Naisipan nila na pumunta sa production office upang hingin ang kabayaran sa kanilang ginawa. Sinabi sa kanila ng opisina na wala silang makukuha at hindi sila kasama sa pelikula. They got fucked without even getting laid, hehehe. (As one of the writers said). Read on… Siyempre, Bad trip! Hindi sila makapaniwala sa ginawang hakbang ng director, he just grabbed and ran the script from these guys. Sabi nga ng isa sa mga writers “Eh kung G.R.O. nga may bayad atchaka tip, sila, hindi man lang na bigyan ng pamadyak. Ganon, ganon kabaho ang sistema. Buti na lang meron pang isang mabuting nilalang na nakikinig sa mga hinanaing ng mga karaniwang tao.

Sayang, pinag pipitaganan pa naman ng dalawang manunulat ang naturang director, ‘yon pala isa lamang syang ISNATCHER sa kanto. Parang twist sa pelikula huh? Kaya lang this time around hindi na ‘to pelikula, walang bida, walang kontra-bida, wala tayo sa set para sumunod sa director. tunay na buhay na ito. CUT!

December 16, 2008 / 7:07:45 PM






Bruno Baticobra at ang Huling Peseta ni Hudas



Synopsis:

Si Bruno Baticobra ay isang anthropologist na sa kanyang huling punta sa Bangkok para sa isang seminar ay napilitang mag-ampon ng bata (AGED ABOUT 3) na palaboy. Iniwan daw ito ng isang human-trafficking syndicate nang i-raid ang kanilang kuta. Pinatay raw ang ama at ina ng bata.

Nakita ni Bruno na may tattoo ang bata na isinalin pa mula sa lolo sa ama nito, at ng ama sa bata. Laking gulat ni Bruno dahil alibata ang mga letrang ginamit. Maaring ang ibig sabihin nito, sa Pilipinas ang roots ng lolo ng bata.


BACK STORY – Nang magbigti si Hudas, sumabog sa lupa ang mga pilak. Isa rito ay natakpan ng kanyang dugng umagos sa kanyang babig na humalo sa lupa na naging putik. Ito ang dahilan para hindi ito malikom nang kumpleto. Nang sakupin ng mga Moro ang Jerusalem, nakuha ang huling piraso ng pilak ng isang Moro at nagpasalin-salin sa kanyang lahi. Isa sa mga napagsalinan ng pilak ay nakarating sa Borneo na kasama ng Sampung Datu na pumunta sa Pilipinas. Ang unang naghanap sa nawawalang piraso ng pilak ay si Marco Polo, pero hindi siya nakating sa Pilipinas (HANGGANG CHINA LANG). Ang kaalaman sa pilak ay nakarating kay Limahong. Imbis na pangatawanan ang pagiging pirata, minabuti nito na makipagkalakalan sa mga Filipino dahil alam niyang hindi siya mananaig. Ang sinumang may hawak ng pilak ay pinaniniwalaang magtataglay ng kakaibang lakas. Umaasa si Limahong na makukuha niya ang pilak sa mapayapang paraan. Ang sumunod sa kanya ay si Magellan na kahit mamatay na sa hirap, pinilit marating ang Mactan na pinaniniwalaan niyang kinalalagyan ng pilak. Nang makarating siya sa Limasawa, hinimok niyang maging kaalyado ang hari nito para lusubing ang Mactan. Kahit mas advance ang kanilang gamit pandigma, nagapi sila ni Lapu-lapu – ang may hawak ng peseta nang panahon na ‘yun. Sumubok rin ang mga Hapon, pero nabigo silang makita man lang ang pilak.

Sa ika-tatlumpong peseta nagsimula lahat ang k’wento ng agimat sa Pilipinas, una kay Lapu-lapu. Sa modernong kasaysayan ang peseta ay nagpalipat-lipat sa Lo-Waist Gang, Kay Asiong Salonga at huling-huli, kay Nardong Putik.

Nang mapatay si Nardong Putik ang pilak ay ipinasa niya sa isang bata na nagging PHILCAG sa Vietnam. Ang PHILCAG ay tuluyan nang nanirahan sa Cambodia dahil sa nakapag-aswa ito ng isang Vietnamese. Sa pagbagsak ng Vietnam sa mga komunista, lumipat ang digamaan sa Cambodia. Dito ay itinago ng dating PHILCAG ang peseta. Ang palatandaan ay itinatak niya sa kanyang anak na may habilin na itatak rin sa kanyang anak ang katulad na tattoo. Ang tattoo at hindi kumpletong puzzle na may hindi kumpletong salita sa alibata.

Ang tungkol sa pilak ay dating sa bulungan lang umiiral. Dahil isang anthropologist, narinig na ito ni Bruno Baticobra mula sa kanyang dating professor sa UP na isang Americano.

Dahil pamilyar sa alibata, ang kapiraso sa clue na kadugtong ng tattoo ng bata ay nasa painting ni Juan Luna na Blood Compact. Ang kasunod ay nasa isang obra ni Amorsolo. Lahat ng light and shades nito at nagsasabi parehong oras ng araw.

Samantala, si Shimano Ariake, isang makapangyarihang Yakusa Capo na nagpapanggap na coin collector ang matagal nang naghahanap sa ika-30 piraso ng pilak ni Hudas. Gagamitin niya ang kapangyarihan ng peseta para kontrolin ang lahat ng criminal organizations sa mundo. Anak siya ng isang Heneral na Hapon na nakaka-alam ng alamat ng peseta. Ang 29 ay nakita at nasa pag-aari ng Israel Bureau of Antiquities kaya hindi natatalo sa giyera ang Israel. Hahabulin niya si Bruno saan man ito pumunta para mapasa kanya ang ika-talumpong parte ng kapangyarihang dala ng mga pilak.

Nang malaman ng collector na may nakalap na na clue si Bruno, kinidnap nito ang bata at binantaan siyang papatayin ito kung hindi niya sasabihin ang kinalalgyan ng susunod na clue. Pero maging si Bruno ay hindi niya alam dahil lahat nang ito ay nabago na nang makarating sa Vietnam ang huling may ari ng pilak. Lahat ng clues sa nakaraang mga panahon ay balewala na.

Hinanap ni Bruno ang mga makabagong clue, hindi para iligtas ang bata kundi para maiwasang mapunta sa maling kamay ang kapangyarihang dulot ng peseta. Kasama si Chiclet, isang makulit na student na malaki ang crush sa kanya, bumalik si Bruno sa Vietnam. (AN EVENT WILL FORCE BRUNO TO TAKE CHICKLET WITH HIM) Dinalaw nila ang puntod ng dating PHILCAG at nakita niya na may balisong sa marker nito na may epitaph na Taga Lipa are. Hindi pangkaraniwan ang balisong dahil wala ito sa sukat. Naka-ukit sa blade nito ang tila araw na sumusilip sa bundok. Nakilala ni Chiclet ang bundok na nasa Borneo at pumunta sila rito. Sa isang lugar na eksaktong kahawig ng perspective na nakaukit sa blade, may nakita silang parang pinaghugutan ng talim. Itunusok ni Bruno rito ang balisong. Swak. Hinintay nilang sumikat ang araw. Sa pagsikat ng araw, tumama sa susunod na clue ang anino ng balisong. (ISA ITONG TILA PUZZLE NA ANG SHADOW NG BALISONG COMPLETED IT.) -- isang landmark sa Malaysiya

Sa landmark na ituro ng balisong, sa katulad ng oras na kinakitaan nila ng clue ng balisong, lumitaw sa reflection ng ilog ang makinang na tila tanso. Sinisid ito ni Bruno, pero hindi niya maarok ang lalim ng ilog at wala sa kinakitaan niya ang pananggagalingan ng kinang. Sa kanyang pag-ahon, nakita niya an reflection lang ito ng isang templo sa bundok. Pinanhik nila ang bundok. Ang kinang ay hindi metal kundi isang uri ng marmol na kininis ng tao. Again, may clue rito, kinuha ni Bruno ang kopya ng hind tapos na alibata na tattoo at inilapat sa marmol. Hindi pala ito alibata, kundi isang parte sa templo ng Ankor Wat.

Nang makita na niya ang peseta, malalaman ni Bruno na hindi pala talagang kakampi niya si Chicklet, kundi anak ito ng collector. Dumating ang collector at ibinalik ang bata, hindi para sila mag-reunion kundi para sabay silang mamatay. Itinali sila ng mga tauhan ni collector sa isang puno at pinaliguan ng syrup para papakin ng mga langgam at mga unggoy.

Sa huling sandali, nang makita ni Chicklet ang intention ng collector na ama, naisip niya na lalo lang itong magiging ruthless. Pumanig siya kay Bruno. Ang peseta ay hindi kayang supilin ng tao. Nang hawak na ito ng collector, nagliyab siya, naging abo at nilipad ng hangin. Sa pamamgitan ng leather pouch dinampot ni Bruno ang pilak. Nang pababa na sila, nasalubong nila ang mga rabbi na hinihinggi ang peseta dahil sa kanila talaga ito. At hindi ito dapat mapasa kamay ng pangkaraniwang tao. Magdadala lang ito ng masaman omen.

Maluwag sa loob na ibinigay ni Bruno ang peseta sa mga tunay na may ari nito.