Friday, November 14, 2008

Insights and a Hurl of Challenge

Whew...! Funny how this industry works. 'Yung mga nandito na mga nag-haharing uri, natatakot na may mga ibang tao mas matalim pa ang isip sa kanila na makapasok sa industria na ito na minana nila sa mga henyo ng sining. Nakakatawang nakakainis. Isang araw magigising tayo na hindi lamang nananamlay ang industria, kundi tuluyan nang namatay. Paano kaya nila sasalagin sa susunod na henerasyon ang bintang na sila ang pumatay sa industria? Ang direktor (kuno) na ito ay inihalintulad ng isa kong kaibigan sa isang isnatser ng celphone. Malupit naman, sa isip ko. Tulad lang siya sa isang dyipni driver na binabarahan ang kalsada kung saan siya kumikita, para ang ibang mga gustong maghanapbuhay sa kalsadang 'yun ay maantala. Hagip niya lahat ang oportunidad. S'wapang.

Ngayon, ang claim niya ay ni-reject ang konsepto namin ng producer, at kasama raw kaming naki-pagmeeting sa producer at ni-reject sa harap namin. Hindi na namin siya kinontesta rito, dahil hindi ito naganap. Ang naka-meeting ng producer ng Octo Arts na sinasabi niya ay ang dalawang gag writers na aayos sana sa script ng ibang pelikula. Hindi kami!

Kung reject nga ang konsepto, hinamon namin ang kumag na direktor-direktoran na sabihin niya nang walang kagatol-katol na wala siyang ginamit sa konsepto.

'Eto ang mga punto na kinukontesta namin sa aming isinulat: (kung wala ito sa pelikula, buong pagpapakumbaba kaming hihingi ng paumanhin sa kanya.)

1) Ang Peseta ni Hudas.

a. Back history nito mula sa pagbibigti ni Hudas hanggang sa mapunta ito sa isang bata na pinagpasahan ni Nardong Putik. Ang bata ay naging PHILCAG, kaya nakarating sa Vietnam ang istorya.

2.) Ang quest. Mula pa sa panahon ni Marco Polo na nagtangkang hanapin ang peseta, kay Limahong, etc... Ang giyera sa Far East na ang WWII ay alibi lamang sa paghahanap ng paseta. Kailan man ay hindi itinuring ng white supremacist na aryan race na co-equal nila ang mga Asyano.

3.) Ang kapangyarihan ng pesta. Ito ay nagsi-symbolize sa ika-30th part ng pimambayad sa pagkakanulo sa Manunubos. Ang power nito ay 30th part ng lahat ng kasalanan sa mundo. Ito ay may kapangyarihan para sa eternal life. Wala sa history na namanay si Lapu-lapu, dahil hindi ito nai-record. Sa later revision ay isinama namin ang argumento tungkol dito. Sa peseta ni Hudas ay nagtamo siya ng eternal life sana, pero pinili niyang mamahinga dahil sa bigat na dala ng ika-tatlumpong bahagi ng lahat ng kasalanan sa mundo.

4) Mga clue sa paghahanap sa peseta. Alam n'yo ba na kung hindi sa amin ay hindi maririnig ng direktor kuno ang salitang alibata? (Akala nga niya totoo ang mitolohiya ng peseta) Mula sa Kali ni Humabon, sa background ng obra ni Juan Luna na "Blood Compact" hanggang sa tattoo sa p'wet ng batang character na si Woog. (Si Woog ay ipinangalan mula sa poodle ng isa sa amin -- Woogle ang kumpletong pangalan niya) Mga clue sa templo at balisong sa puntod ng dating PHILCAG.

Malabo 'atang sabihin na siya ang naka-isip noon, 'di ba?

5) Ang mga Yakusang naghahangad sa kapangyarihan ng peseta.

Hindi kami humihingi ng pag-boycott sa pelikula. Ini-encourage namin kayo na panoorin ito para ma-substantiate ang aming claim.

Sa susunod ay ipo-post namin ang last revision na ginawa namin para lalong masabaw ang pagbubusisi sa isang krimen na naganap.

Thursday, November 13, 2008

Bruno Baticobra at ang Huling Peseta ni Hudas -- original script

Welcome! 'Eto po ang original script ng Bruno Baticobra. Approved po ito sa first submission pa lang, pero to accomadate some requests ng egomaniac na direktor kuno, gusto niyang ihalo ang kamay niya sa konsepto. Sundot siya nang sundot. (Makikita ninyo sa susunod na posts ang mga mutations na nangyari hanggang sa maging Iskul Bukol da Movie) Wala po kaming hinanakit sa Iskul Bukol dahil napatunayan na maganda ang konsepto at lumaki pa nang husto ang pelikula. Okay sana kung acknowledged kami. Eh, kaso, wala eh! Sa mitolohiya ng peseta ni Hudas, ang taong maghangad nito at walang karapatan ay masisira, malalason ang isip at masusunog.

BRUNO BATICOBRA at ang HULING PESETA NI HUDAS

TEASER A - EXT. TEMPLO NI BUR-BUR / SNOWY DAY
(Templo of Bur-bur is located in Mahabharat Range, in Nepal, in the rim of snow-covered Lhotse Volcano.)
Open on a twisted branch of an old tree. Trickles of snow with intermittent gust of wind sways the branch. Howls of wolves are heard.
Chargen: Temple of Bur-bur, Lhotse Volcano, Mahabharat Range, Nepal / January 01, 2000 11:57:01 AM
CAMERA SLOWLY TRACKS OUT and we hear a slash that rips like a whip. Pupulupot ang baticobra sa sanga.
PAN DOWN sa parapet. Camera holds a beat, a bag is put on the parapet.
CAMERA TRACKS IN. Bruno’s hand enters frame.We hear radio static. Humihingal si Bruno Baticobra nang makakuha siya ng solid footing sa parapet and slings on his bag.Kakalagin ni Bruno ang baticobra.Sa kinatatayuan ni Bruno, kita na ang silhouette ni Bur-bur sa gilid ng bulkan. It is lit in unsteady glow of red.Papaikutin ni Bruno ang baticobra. Ipupukol sa direction ni Bur-bur.Pupulupot ang baticobra sa leeg ni Bur-bur.Bruno swings. Babangga siya sa katawan ni Bur-bur and grimaces in pain.
BRUNO:Hoooommmpphhhaaaahhhhhh....
CUT AWAY TO:TEASER B - EXT POKHARA RIVER / SNOWY DAY
Chargen: Pokhara Basin Mahabharat Range, Nepal / January 01, 2000 11:58:32 AM
Open sa butas sa ice. Dinig ang radio static at ang radio ay somewhere na mahahagip ng camera when it pulls out.
CAMERA TRACKS OUT. Hawak ni Ruben ang line. Nanginginig siya sa ginaw, nakaupo sa tabi ng bonfire. Kita ang sled ng piper plane.
SHIFT CAMERA. Nagmumuni-muni si Ruben.
RUBEN: (OFF CAM)Bakit kaya maraming Chinese military kangina sa paanan ng bundok? Pipigilin kaya nila si Bossing para magunaw ang village sa ibaba at mapilitan makipag-treaty sa China ang Nepal? Let’s see -- (FACE LIGHTS UP) Ups!
A flapping fish on a line is pulled out. Nagpapapalag ang isda na pinipilit ni Ruben ilagay sa basket. Masisipa niya ang radio.
RUBEN:Kakantutsa!
CUT AWAY TO:
TEASER C - EXT. TEMPLO NI BUR-BUR / SNOWY DAY
Bruno recovers, continue to climb to the direction of the diadem. Lalakas ang hangin; snow blind si Bruno. A pack of wolves gathers at the foot of the Bur-bur statue; their teeth gnashing, their howls more frightening than that of the wind.Sasabit at malalaglag ang bag ni Bruno. Lalapain ito ng mga wolves. Nang walang nakuhang karne, hayok na titingin ang mga wolves sa kanya at dadambahin ang rebulto, magpupumilit panhikin.

CUT AWAY TO:
TEASER D - EXT POKHARA RIVER / SNOWY DAY
Mula sa kinatatayuan ni Ruben, kita niya ang mga papaahong military vehicles papunta sa templo. nagmamadaling dadamputin ni Ruben ang radio, pero masisipa niya ulit ito papalayo.Matapos masipa-sipa sa paghabol sa madulas na ice, at pag-alalay sa nagpapapalag na isda, makukuha rin ni Ruben ang radio.
RUBEN:Calling Snake One. This is snake two. Nakuha mo na ba ang bato? Bossing kailangan na nating lumipad.
CUT AWAY TO:TEASER E - EXT. TEMPLO NI BUR-BUR / SNOWY DAY
The snow gush is subsiding; Bruno is trying to get a good grip.
BRUNO: (TO THE RADIO) Ba’t marunong ka pa sa akin?
RUBEN: (RADIO)Eh, kase --
BRUNO:(TO THE RADIO) Lilipad ka lang, kung sinabi! OK?
CUT AWAY TO:
TEASER F - EXT POKHARA RIVER / SNOWY DAY
Nakatingin si Ruben sa mga sasakyan.
RUBEN:Sinabi mo e...Hihipan ng hangin ang bonfire at mamatay.

CUT AWAY TO:
TEASER G - EXT. TEMPLO NI BUR-BUR / SNOWY DAY
Papanhikin ni Bruno ang noo ni Bur-bur na kinaroroonan ng diadem. He stretches his arm para abutin ang bato. Hirap na hirap siya. Kakapit siya sa mga palapang kahoy ng corona ni Bur-bur. Mahihina na ang mga ito dahil sa tanda. Mapuputol ang una niyang kinakapitan, dadausdos siya.
Angilan at lundaggan sa pagkahayok ang mga wolves sa ibaba; tutulo ang laway.
Nang makakuha ng balance, titingin si Bruno sa relo. His watch says 11:59:55.
BRUNO:Malalaman natin kung totoo ang alamat na sasabog nga ang bulkan kung mananatili ang bato kay Bur-bur sa pagsapit ng unang tanghaling tapat ng ikalawang milenyo.
Inaabot ni Bruno ang bato nang matanaw niya ang mga military vehicles.Titingin siya sa relo. Lampas na sa 12:00 noon.
BRUNO:(TO RADIO:) Bakit hindi mo sinabi na nandito na ang army!?
RUBEN: (RADIO)Sinabi ko pero --
BRUNO:(TO THE RADIO) Ano ba!? Lipad na!
CUT AWAY TO:TEASER H - EXT POKHARA RIVER / SNOWY DAY
Nagmamadali si Ruben. Natataranta. Pabalik-balik. Eventually, nag-decide siyang ilagay na ang isda sa eroplano. He cranks the propeller pero ayaw umistart ang eroplano.
RUBEN:Salamabit...
CUT AWAY TO:
TEASER I - EXT. TEMPLO NI BUR-BUR / SNOWY DAY
Finally, maabot ni Bruno ang diadem. Ngingiti siya. Lilindol.
BRUNO:Uuoops!
Mawawala ang ngiti ni Bruno.
BRUNO:Totoo nga ‘ata ang alamat --
Ilalagay niya sa leather pouch sa kanyang sinturon ang diadem at lalambitin sa kahoy, ready to swing back to the parapet. Sunod-sunod na putok. Machine gun.
Makikita ang Chinese Army, bumabaril.Atras si Bruno; palipat-lipat nang tago sa ulo ni Bur-bur, umiiwas sa mga bala, bumabaril ng kanyang Colt .45 model 1911 paminsan-minsan.
Shot sa bulkan na sumasabog.
Shot sa umaagos na lava.Matataranta ang mga wolves, magpupulasan.
Madudulas sa kinalalgyan si Bruno. Umaagos na ang lava sa kanyang paanan. May mga wolves na mahahagip ng pagragasa ng lava.Raratrat ang mga bala.
CUT AWAY TO:
TEASER J - EXT POKHARA RIVER / SNOWY DAY
Tambutso ng piper. The engine coughs and a ball of smoke is belched out.
CUT TO:
Ruben cranks the propeller some more. Matutuwa siya nang umandar ito.
RUBEN:Yippeeeeeeoooohheiiiaaaa!!!!!
Ruben hops in the cockpit and the piper crawls for the take off.
CUT AWAY TO:TEASER K - EXT. TEMPLO NI BUR-BUR / SNOWY DAY
Shot sa tiarang kahoy -- nakalambitin si Bruno. Holes are stitched on it.Magsisimulang mabali ang tiarang kahoy sa corona ni Bur-bur dahil sa pagburda ng bala. Lalakas ang lindol.Tutumba ang rebulto ni Bur-bur sa paglakas ng lindol. Bruno is able to throw his baticobra to a piece of wooden ledge, pero masisira ito sa kanyang bigat.Kasama nitong mahuhulog si Bruno, pabagsak sa rumaragasang lava.
CONTINUE TO:
TEASER L - EXT. LAVA SWAMP APPROACHING STONE BRIDGE
Bruno surfs the lava, humahabol sa gilid ng embankment ang mga Chinese militia. May nadudulas at nalulunod sa lava, may nakakatalon sa mga bato, pero not enough to catch up with Bruno.
OVER THE SHOULDER SHOT: Mula sa kinalalagyan niya, makikita ang mga Chinese Militia lining themselves sa ibabaw ng stone bridge.
CUT TO: Sesenyas ang leader to prepare to fire. Magkakasahan ng Kalashnikov ang mga Chinese.
CUT TO: React si Bruno.
CUT TO: The leader flags down to fire.
CUT TO: Shot sa muzzles ng Kalashnikovs spewing bullets.
CUT TO: Iilag si Bruno; the board he was on fritters away to the bullets -- papaliit nang papaliit.
RUBEN:Yiiippppeeeeaiiiiyoooooo!!!! Up here!
SHOT SA COCKPIT: Ruben dives towards Bruno.
CUT TO: Bruno reacts and swings the baticobra.
CUT TO: Pupulupot ang baticobra sa sled ng piper.
CUT TO: BRUNO hangs on, lilipad papalayo ang piper.
CUT TO: Galit ang mga Chinese, raising their fists in curse.
CUT TO: BRUNO pulls himself up and slides into the cockpit.
CUT TO:
TEASER M - COCKPIT / SKYLINE - NIGHT
Bruno settles.
BRUNO:Pukala ala! Muntik na ako doon ah.
May mararamdaman sa inuupuan. Kukunin niya ang isda. Itatapon.
BRUNO:Bakit me isda rito!?
RUBEN:Nahuli ko. Para me tanghalian tayo.
BRUNO:Tanghalian ba natin ‘yun?
RUBEN:Oo. bakit?
Manghihinayang si Bruno. May masasalat ulit.
BRUNO:Buti meron pang isa.
RUBEN:Bossing, isa lang nahuli ko.
Kinakabahan na iaangat ni Bruno ang nasalat. He comes up with an anaconda. Bruno struggles with it and finally able to throw it out the plane.
RUBEN:Something wrong, Bossing?
BRUNO:W-wala. Gusto mo, buratsilog na lang ang tanghalian natin?
RUBEN:Bastos mo, Bossing...
BRUNO:Ikaw nga ang malisyoso d’yan e. Buratsilog -- burger, atchara, sinangag, itlog.
CUT TO:
Skyline / high noon. The piper glides in the sky, coming towards the cam in a slight upward tilt; the volcano in the background had stopped erupting.
RUBEN: (OFF CAM) Sarap! Meron ba dito sa Nepal no’on?
BRUNO: (OFF CAM) Wala. Sa Timog. Kaya bilisan mo ang lipad.
Plane flies off screen.
CROSS DISSOLVE TO:
TEASER - N / EXT. SKYLINE / SUN UP.
Makikita ang piper na lumilipad; background ang papalubog na araw. Title card appears:
Vic Sotto
Bruno Baticobra
at ang Huling Peseta ni Hudas

FADE OUT/ FADE IN TO:

1. EXT. CAMPUS GROUNDS / DAY
OBB
Chargen: Present
Establish campus ground. Maraming coeds sa parking lot. Naiinip sila as if waiting for an artista. Security guards ready.WORM’S EYEVIEW: A 1979 Toyota Land Cruiser with big, chunky tires, enters. Hihinto ang Toyota. Plate number is B-COBRA 1.
Cut to: Int. Land Cruiser. Shot sa left hand na naka-diver watch on the steering wheel; between the fingers is a short stub of unlit cigar.ECU (LIPS). Isusubo ang cigar.Kukunin ng kamay ang military utility bag sa passenger seat.
Cut to: Balik ang shot sa plate number. Camera cranes up. May tamaraw skull sa hood ng Land Cruiser na napupuluputan ng baticobra.
CUT TO: Students become restless. Security guards prep up.
CUT TO: Bubukas ang pinto.
CUT TO: Pigil ang hininga ng mga chicks. Bulungan sila na parang sinasabi, “Eto na si Sir...” (SFX: POUNDING HEART BEATS GAINING)
LOW SHOT. A pair of much-worn and abused mountain boots step out.
CUT TO: Malapit nang mamatay sa kilig ang mga bebot. Slowmo lahat. Dinig ang collective kalabog ng puso nila.
LOW SHOT ULIT. Shadow ni Bruno is cast on the ground. The camera pans to the feet’s shadow that joins to the physical feet of Bruno. Camera tilts up slowly. Bruno Baticobra is in his university get up: Khaki cargo pants, lumberjack plaid flannel shirt with suspenders, all-purpose chaleco, McArthur Ray-Ban, a short stub of unlit cigar stuck in his mouth and a buri hat with leather band and a miniature baticobra wrap-around.Titingin siya sa mga students.
CUT TO: Nakanganga lahat ang mga girls in anticipation, as if time had stopped. (SFX: SLOW POUNDING HEART BEATS INTENSIFY)
BRUNO:Hi, girls.
Marami sa mga girls ang hihimatayin, ‘yung iba maiiyak sa tuwa na daig pa nang makita ang The Beatles nang kapanahunan nila. Hirap na ang mga sikyo pumigil, as if a dam is breaking. Sugod ang mga girls. Security guards are overwhelmed.(SFX: SLOW POUNDING HEART BEAT / HEAVY METAL RIFFS)
CUT TO: Tuloy ang lakad ni Bruno. (SFX: SEDUCTIVE SCORING)
Sugod ang mga girls. (SFX: SLOW POUNDING HEART BEATS / HEAVY METAL RIFFS)
Hinto si Bruno, turns. (SFX: WIND)BRUNO:Stop, girls.Hinto ang mga babae on their track, walang umiimik, lahat bilog ang mata as if in a daydream. (SFX: SLOW POUNDING HEART BEATS)
BRUNO:Easy, now....
Girls begin to breath, tame down to nearly robotic oblation; may humahalik sa ground na nilakaran ni Bruno as our hero walks away.
CUT TO: May iisang naiinis sa mga girls -- Si Chicklet -- Siya lang ang naiwan sa dating umpukan.
SIKYO:Chicklet, parang ikaw lang ang hindi atat kay Sir Baticobra, ah...
CHICKLET:Dapat ba? Hmmphhh! (BLOWS A BUBBLE GUM BALLOON)
Shot sa kamay ni Chicklet na nasa loob ng bag niya. Sakal sakal ang pet parrot niyang si Polly.
POLLY: Arrrkkhhhh!!!! Break it down! Break it down!

CUT TO:
2.INT. CLASSROOM / DAY
Open sa a table with brass name plate na:

Dr. Bruno Baticobra, PhD. Cultural Anthropology
Tahimik. Pan Cam. Lahat ng girls nakatitig kay Bruno as he rolls out his lesson about the influence of Sumerian culture to the world.
BRUNO:We owe much of our civilization to Sumeria: wheels, pottery, ship building, farming, architecture, animal husbandry, our present concept of time and its subdivision, etc... But like any civilization, they have their downside. Can you name one, Miss Sandra Villagracia?
Nang bangitin ni Bruno ang pangalan, tatayo ang girl pero tulala.
BRUNO:Miss Sandra Villagracia?
Makikita na ngumiti ang coed at biglang bumula ang bibig. mayayama ay hihimatayin ito sa tuwa. Walang papansin sa kanya.Magtataas ng kamay si Chicklet.
BRUNO:Yes, Miss Chicklet Elizondo.
CHICKLET:(SHE READS FROM NOTES) As you said from yesterday’s lesson, Sumeria learned to farm very efficiently and as a result, there was surplus production of grains, specially barley and malt.
BRUNO:What happened then? Please continue, Miss Elizondo.

CHICKLET: From the surplus, they found a way to make use of the excess produce and one by-product is beer, which we know started the science of brewing that resulted to many alcoholic beverages as the civilization crawls to the present. And alcohol is the roots of many social ills, sir.
BRUNO:Very good, Miss. Elizondo. That is an example of the importance of jotting notes. Western spies ---during the Second World War -- helped to win it by jotting notes, in contrast to that of the Axis Powers, which relies on memorizing the details --
Bell rings.
CUT TO:3. INT. FACULTY ROOM / DAY
Naghihintay sa likod ng pinto ang mga teacher na babae, sumisilip, excited.
TEACHER 1:Sigurado ka ba na darating na siya?
TEACHER 2:Oo. Nag-bell na ah!

CUT TO: CORRIDOR LEADING TO THE FACULTY ROOM. Low shot. Anino ni Bruno coming hanggang sa makita ang boots niya.

CUT TO: LOOB NG ROOM. Maririnig ng teachers ang yabag ng boots.
TEACHER 3:Ayan na! EEeeeeeeee!OTHERS:EEEEEEEeeeeeeeeee.....!
CUT TO: LABAS NG ROOM. Hahawakan ang knob.
CUT TO: Takbuhan sa kanya-kanyang seats ang mga teachers, kanya-kanyang business, patay malisya.
TEACHER 1:(NAGPUPULBOS) Itong si Don Ramon kase, alam na niyang anak niya sa katulong nilang si Merle si Vera, bakit pinapayagan niyang pagmalupitan ni Donya Adelina?
TEACHER 2:Ikaw naman, parang hindi ka sanay sa takbo ng mga telenobela sa ‘Pinas?
BRUNO:Good afternoon, co-teachers...Walang sasagot. May nagtitinda ng tocino, may nagpapakita ng litrato ng apo niya, etc...
BRUNO:(TO SELF) Parang walang tao. Good afternoon girls...
May mangilan-ngilan na sasagot pero with feigned disinterest.
TEACHERS:Good afternoon, Dr. Baticobra.

Chicklet enters, popping gum; she’s with her parrot pet, Polly.
CHICKLET:Sir Baticobra, may sulat na dumating after you left the room. It says Thailand Anthropological Society para sa symposium sa Bangkok.
BRUNO:Thanks Miss Elizondo. Paano mo nalaman ang laman?
CHICKLET:Ahhhh... Ehhhh... Kase...
BRUNO:Nevermind. Hindi naman personal to e.
CHICKLET:Sir Baticobra, p’wede po bang sumama sa inyo sa symphosium na ‘yan?
BRUNO:Sorry, Miss Elizondo. Mahal ang accommodation and I have no spare money for a company.
CHICKLET:I’ll pay for my way, sir. I’ve been looking forward to hear famous anthropologists tackle the emergence of countercultures. Balak ko kase itong gawing thesis for my masteral.
BRUNO:Hindi kita kayang sagutin. You’ll burden me unnecessarily. P’wede kang mag-apply sa symposia committee as an observer-audience. That way I’m free of any responsibility for whatever --
CHICKLET:Sorry I asked. Anyway, ayoko rin naman na sumama sa ‘yo. It’s just that the subject is very tempting. Thanks anyway, Dr. Baticobra, sir.
BRUNO:No harm, no foul.Gigil si Chicklet as he she leaves the room.
BRUNO:Paano ang puso ko, kung wala ka... (CONTINUE) Break it down.
CHICKLET:Gagong ‘to! Gusto mo bang gawing kitang lechon parrot!Patay malisya na sisipol lang si Bruno as his eyes roll up.
OBB ends
FADE OUT / FADE IN TO:
4.EXT. AIRPORT - BANGKOK /DAY
Chargen: Bangkok, ThailandAirplane / human traffic.
CUT AWAY TO:7.INT. SYNDICATE HIDE OUT - BODEGA / DAY
Madilim ang bodega. May mga rays ng liwanag that pierce through. Maririnig ang mga impit na iyak at daing. Camera travels hanggang makita natin ang hilera ng mga seldang may mga nakakulong. Ang iba ay maayos ang itsura, pero ang karamihan ay dugyot -- bata, matanda, lalaki, babae.Isang bata -- si Woog (ABOUT 4-5 YEARS OLD) -- Ang magpupumilit sumiksik sa pagitan ng rehas. He succeeds na maipasok niya ang ulo sa makipot na pagitan ng rehas.

CUT AWAY TO:
8.INT. AIRPORT - IMMIGRATION / DAY
Naglalakad si Bruno na kaladkad ang trolley bag papunta sa immigration counter.
CUT AWAY TO:
9.INT. SYNDICATE HIDE OUT - BODEGA / DAY
Makakalabas si Woog sa rehas at tatakbo. Sisilip sa labas ng bodega. May dalawang goons na nag-uusap at apat na naglalaro ng baraha. Shot sa pagbagsak ng baraha. Nang ikalat ang mga ito, lima lahat ang alas.Pipitserahan ng goon ang kalaro.Woog sneaks out.Makikita siya ng isa. Adliban sa mga sigaw.Magkakahabulan.
CUT AWAY TO:
10.INT. AIRPORT - IMMIGRATION / DAY
Isang lalaki (BEAR SIZE) from immigration ang lalapit kay Bruno.
PINSAN:Bruno! Bruno Baticobra! Pinsan!
Makikilala ito ni Bruno.
Bear hug sila. Adliban.
BRUNO:Dito ka ba? Dati sa Hongkong ka a.
PINSAN:Dito na. Medyo mabilis ang palitan ng tao roon. B’wenas naman at nalagay ako sa immigration. Pag-check in mo, ako na ang bahala sa exit!
BRUNO:Thanks, pinsan.After bear hug ulit na mas madiin kesa sa una, luluwa ang mata ni Bruno.
BRUNO:Pinsan... Pinsan....Aghh...

CUT AWAY TO:
11-A. EXT. BANGKOK - DOWNTOWN / DAY
Lalabas ng hide-out si Woog; habol ang mga goons.
CONTINUE TO:11-B. EXT. BANGKOK - DOWNTOWN - MARKET / DAY
Pasok si Woog sa market place, magtatago sa mga sako ng saging. Makikita ng mga goons. ‘Yung pinagbalatan niya ng saging itatapon sa kalye, madudulas ang mga goons na humahabol.
CONTINUE TO:
11-C INT. BANGKOK - DOWNTOWN - BOUTIQUE / DAY
Pasok si Woog sa souvenir boutique. Woog wraps himself with native shawl and po-pose na statue ng unggoy. An American tourist enters and looks around. Pasok ang mga goons na maghahanap. Isa-isang tinitingnan ang mga statues. Nang malapit na sila kay Woog, lalapit rito ang tourist, matitipuhan at dadamputin si Woog.
TOURIST:This one’s sure heavy. I think I’ll take it.
Bibitbitin na si Woog ng turista, pero he remains stiff and maintains his monkey-like grin. Pinagmamasdan sila ng mga goons. The tourist pays and leaves the boutique.
CONTINUE TO:11-D EXT. BANGKOK - DOWNTOWN - BOUTIQUE / DAY
Madighay si Woog dahil sa pagkakabitbit. Matatakot ang turista na magsisigaw sa kalye!
TOURIST:The statue is alive! The statue is alive.
Takbo ulit si Woog. Habol ang mga goons.
CONTINUE TO:11-E EXT. BANGKOK - DOWNTOWN - LAUNDROMAT / DAY
Papasok si Woog sa laundry shop. Lalampas ang mga humahabol sa kanya.
CUT AWAY TO:12. INT. HOTEL - AUDITORIUM / DAY
Maririnig natin si Bruno delivering his thesis while the camera goes around to establish the presence of multinational delegations.
BRUNO: (OFF CAM) ...Perhaps, we, as the dominant specie on this planet, should examine our conscience regarding how far do we really want to push the so called progress. Will progress, as we know it, eventually lead us to our own demise and let the next dominant specie take over what we have work so hard for? I don’t think cockroach and rats are sophisticated enough to appreciate the civilization they will one-day inherit.
Camera catches Bruno as it trolleys in for an slight half-body upshot.
BRUNO:Let us leave the virgin forests alone. Converting them to bio-fuel farm will partly solve our lust for energy, but will add to the exponential increase of hungry people, thus creating havoc to world economy and a possible rise of a new culture. It’s like saying “Full tank” for every hungry mouth. We should also not sacrifice them for soya farms for animal feeds, specially cows. I don’t think our cravings for hamburger is more important than our future survival. We’ll all end up as the laughing stock of the universe.

CUT AWAY TO:13. EXT. BACK ACCESS - HOTEL / DAY
Papasok ang delivery truck ng linen. Makikita natin si Woog among the bed sheets and pillows, holding the bunch of bananas.
CUT AWAY TO:14-A. INT. HOTEL LOBBY / NIGHT
Lahat nang daanang mga girls ni Bruno ay nanlalata sa paghanga. Tuloy-tuloy si Bruno sa counter. Macho ang attendant, biker type, nakatalikod and busy on something.
BRUNO:Room 5302 please.
The attendant unhooks the key. Nang makita niya si Bruno, parang epek kay Toni Gonzaga nang makita si Piolo Pascual sa commercial ng Sprite -- bibigay ang bruha. Mandidilat ang mata nito na natataranta. Lalamlam ang mata and eyelids flutter as he hands Bruno the key. He’ll retracts the key nang konti para dumukwang si Bruno further for an ambush of kiss. Bruno makes a fist.
BRUNO:Sapak, you want?
Bruno snatches the key and walks away.
ATTENDANT:Bye, papa... Babalik yu ha? Mwah!
CONTINUE TO:14-B INT. HOTEL HALLWAY (GROUND FLOOR) / NIGHT
Hihinto si Bruno sa harap ng elevator. The elevator opens. Makikita natin na may bagong kasal, sweet na sweet, na kasunod ni Bruno when he enters.The elevator closes. Camera sa floor indicator.
CUT TO:14-C. INT. HOTEL HALLWAY (BRUNO’S FLOOR) / NIGHT
Bubukas ang elevator. Lalabas si Bruno. Nag-aaway na ang mag-asawa. Susunod kay Bruno ang bride, yayapos sa binti niya. Ipupukol dito ng groom ang bouquet.BRIDE:Please, take me home with you...Makikita ni Bruno ang guard.
BRUNO:Guard! Guard!The guard pries off the bride from Bruno’s legs. Takbo siya sa room niya and shuts the door.
CUT TO:15. HOTEL - BRUNOS ROOM / NIGHT TO DAY
Humihingal si Bruno. When he catches up with his breath, he starts to packs up.
DISSOLVE TO:
Bruno is asleep.TIME LAPSE. Umaga na. Makikita na aalis na si Vitoria as soon as he has himself ready, pulling the trolley bag.When the door closes, pan camera sa gilid somewhere sa corner ng room, nandoon ang mga damit ni Bruno.
CUT AWAY TO:
16. INT. AIRPORT - IMMIGRATION / DAY
Bruno is pulling his trolley bag. Hinto siya sandali na parang mabibigatan. He was about to inspect the bag when --PINSAN:Pinsan! Dito! Para iwas hussle!
BRUNO:Pinsan! Buti naman at duty ka!
PINSAN:Nagpa-duty talaga ako ngayong araw para hindi ka na mahirapan mag-exit. ‘Lika. Dito tayo sa VIP.
Lakad ang dalawa and curves into a corridor marked FOR VIPs ONLY.
CUT AWAY TO:
17-A. EXT. MANILA - AIRPORT / AFTERNOON
Plane / human traffic.
CUT TO:17-B. EXT. MANILA - AIRPORT, IMMIGRATION / AFTERNOON
We see Bruno showing a special privilege papers as the university’s symposia representative. He is escorted to the VIP tunnel. May sumusubaybay sa kanya.
CUT AWAY TO:17-C. EXT. AIRPORT PARKING / AFTERNOON
INT. LAND CRUISER.
Nakikipagtext si Ruben. ‘Pag may reply, babasahin niya at kikiligin. Matatanaw niya si Bruno na dumarating.
EXT. LAND CRUISER.
Lalabas si Ruben at kukunin ang bagahe.
RUBEN:Bossing, ako na bahala d’yan sa bag mo. ‘Musta ang seminar?
BRUNO:Okay lang. RUBEN:Me pasalubong ba ako?
BRUNO:Walang time sa shopping e. ‘Lika na. Para maaga makapag-pahinga.
Tuloy sa passenger seat si Bruno. Bubuksan ni Ruben ang rear door at bubuhatin ang trolley bag. Mabibigatan siya. Bago isara ang pinto, magtataka si Ruben.
RUBEN:(TO SELF) Ba’t ang bigat? Sabi walang time mag-shopping --
Ruben opens the bag; a hand shoots up with a banana. Kukunin ni Ruben at magtataka siya ulit for a beat.
BRUNO:Ruben, bilisan mo. Gusto ko na magpahinga sabi e.
Hihinto sa pagtataka si Ruben, enters Toyota and drives.
CROSS DISSOLVE TO:
18. INT. LAND CRUISER - ROAD / AFTERNOON.
Nagda-drive si Ruben. He peels the banana.
BRUNO:Saan ka kumuha ng saging?
RUBEN:May nag-abot na kamay sa akin. Galing sa bag mo.
Magkakatinginan sila.
CUT TO:19. EXT. ROAD / AFTERNOON.
Biglang preno ng Land Cruiser. Patakbong lalabas sila Bruno and Ruben. Bubuksan ang rear door. Bubuksan ang bag. Tatambad sa kanila sa Woog, mouth full and smiling.Shock sila Bruno and Ruben.
BRUNO:Sino ka?Ngingiti lang si Woog.
RUBEN:Kaya pala mabigat eh!
Woog hands out some bananas. Kukuha si Ruben.
BRUNO:Napuna ko rin... Sa Bangkok pa. Ibig sabihin ay --
RUBEN:Sa Bangkok mo ito nakuha?
Tatango si Bruno. Tatango si Ruben. Makikitango si Woog, then he giggles.Bubusina ang nasa likod nila.
BRUNO:‘Lika na! Nagkakatrapik dahil sa atin! Sa bahay na natin malalaman ‘to!
CAMERA TRAVELS SEVERAL CARS BEHIND: ‘Yung goon na sumusunod kay Bruno ay nasa isang kotse, lagging a safe distance behind and kita sila through a telescope. He makes a call, his lips rip in a grin.
FADE OUT / FADE IN TO:
20. INT. BRUNO’S APARTMENT- LIVING ROOM / NIGHT
Open sa nakangiting si Woog. Nakapambahay sila Bruno and Ruben; may trace pa rin ng pagtataka sa mukha nila. Si Bruno ay nakasalampak sa sofa, his face showing signs of surrender.
BRUNO:(SIGHS) Suko na ako. Lahat ng linguaheng alam ko ginamit ko na, hindi pa rin ako maintindihan. Puro Woog lang ang sagot! Ano ‘to, anak ni Tarzan?
RUBEN:Oo nga. Tom Jones na ‘ko eh. Kain tayo na.
BRUNO:Buti pa nga --
WOOG:Kain! Kain! Kain!
Tinginan ang dalawa. Tingin sila kay Woog. Adlib.

CUT AWAY TO:
21. INT. CHICKLET’S APARTMENT UNIT / NIGHT
Chicklet swoons her unspoken love to Bruno. Nagkalat ang mga litrato ni Bruno sa mga walls. Bruno is in a perch.
CHICKLET:Bruno... Ewan ko ba kung anong klase kang lalaki at ako ay obsessesd na obsessed sa ‘yo? Ikaw ang aking Superman, ikaw ang aking Batman, ikaw ang aking Popeye the sailor... Ikaw ang aking pag-ibig! Haaayyyyy...
She changes pose.
CHICKLET: (CONT’D)Vits, Darling... Hindi ko marahil mapipigil ang sarili ko kung may instance na tayong dalawa lang ang tao sa isang secluded na gubat...
Lipat ulit.
CHICKLET: (CONT’D) Kundi lang ako nahihiya, isisiwalat ko ang lahat ng nararamdaman ko. Bakit kase ang lakas ng appeal mo, demonyo ka!
Kakausapin ang isang picture.
CHICKLET: (CONT’D) Bruno... Mahal ko. Handa akong sundan ka kahit saan... Kahit sa dulo ng daigdig at sa lampas pa ng dulo ng daigdig!

May kakatok.
Chicklet answers the door. She emotes a vague expression.
CHICKLET:Dad...?!
FADE OUT / FADE IN TO:22. INT. BRUNO’S APARTMENT- DINING ROOM / DAY
Almusal. Bruno is holding the dailies. Pinagmamasdan nila si Woog how he attacks the food. Usli na ang pusod pero banat pa rin. Mauutot.
BRUNO:Parang biglang nag-amoy pasugalan...
Manlalaki mata ni Woog. Maeebak. Igkasan sila Bruno and Ruben.Iiyak si Woog. Magtutulakan ang dalawa to clean him up.
BRUNO:Ruben, linisin mo!
RUBEN:Bakit ako!? Ikaw ang may dala rito n’yan ah!
BRUNO:O, sige. Pero isabit mo na ‘yung karatula na Wanted Boarder.
RUBEN:Wala naman bakanteng k’warto rito ah!
BRUNO:Kung hindi mo lilisin ‘yang kalat ni Woog, magkakaroon! Gets mo?
RUBEN:Kakantutsa naman!
Nang inaayusan na ni Ruben si Woog, makikita niya na may tattoo ito sa p’wet at pagkakamalang birth mark.
RUBEN:Malas ‘tong batang ‘to. Ibalik mo na.
BRUNO:Bakit?
RUBEN:Me balat sa wet-paks, eh!
Bruno’s interest is grabbed. Lalamutakin niya ang p’wet para masiguro, pero hindi niya mabubura ang tattoo.
BRUNO:Hinde balat ‘to. Tattoo. Alibata.
RUBEN:Anong alibata?
BRUNO:Alibata ang sinaunang alpabeto ng ating mga ninuno. Original na sulat-kamay ng mga Pilipino bago pa dumating rito ang Kastila. Ang ibig sabihin nito ay --
RUBEN:Matanda na ang batang ‘yan?
BRUNO:Hinde! Gopols! Ang ibig sabihin ay dito sa Pilipinas ang roots ng batang ‘yan!
Kukuha ng tela si Bruno. He traces the tattoo.
RUBEN:Kung ganoon, bakit sa Bangkok mo siya nakuha?
Makikita ni Bruno ang pages ng newspaper na natira. May headlines dito na: INTERNATIONAL HUMAN TRAFFICKING RING BUSTED
Babasahin ni Bruno ang news item.
BRUNO:An international human trafficking syndicate that operates in the Golden Triangle Region of Thailand, Cambodia and Vietnam is believed busted when its leaders are rounded up in Bangkok. However, some of the victims have been unaccounted for. See pictures.
RUBEN:Me picture pala e. Patingin.
Camera sa mga pictures. Nang matapat ito sa picture ni Woog, magta-track in.
CUT TO:23.
INT. UNIVERSITY LIBRARY / DIFF. TIME INTERVALS
Makikita na puno ang library. Bruno’s desk is piled up with references. Girls are looking over their books to take a peek at him. May magtutulakan para siya i-approach. Isang girl ang matotoka, lalapit, magpapa-charming muna.
GIRL:Dr. Baticobra, Can I help you do your research. Mas bibilis kung iinternet.
BRUNO:Oo sana, pero limited ang info sa Filipiniana. Thanks for your concern, anyway.
GIRL:Any time, sir.
Pumipitik ang pilik-matang e-exit si girl. Pagdating sa dating place niya, high fives sila ng kasamahan niya.
Dissolve to: Konti na lang ang tao. Gabi na.
Dissolve to: Naglilinis na ang janitor, hindi pa rin mai-decipher ni Bruno ang alibata. Mag-iisip siya at mapapatingin sa reproduction ng painting ni Juan Luna na Blood Compact sa wall . Napuna niya sa background ng painting ang darker coloration. Hindi gaanong maliwanag ito, kaya sa libro niya titingnan. Nandoon rin ang isang Blood Compact painting na sinabing nakasabit sa Basilica Minore del Santo Nino na mas maliwanag. Itatapat dito ni Bruno ang kinopya niyang tattoo sa tela -- sa bandang dulo. Nandoon ang karugtong na letra, pero hindi kumpleto ang kabuuan.
FADE OUT TO BLACK /FADE IN TO:2
4. INT. EXECUTIVE ROOM / GIRLIE JOINT / NIGHT
Open sa litrato ng peseta ni Hudas, hawak ito ng kamay na putol ang hinliliit. Hindi pinapansin ni Shimano Ariake (YAKUSA CHIEFTAIN NA NAGPAPANGGAP NA COIN COLLECTOR) ang magagandang GRO na kumakarinyo sa kanya. Nakatayo in attention ang alalay niyang unano na si Golem (ala-MINI ME).
SHIMANO:Mga gung-gong! Bakit nakawala sa Bangkok ang bata! Ngayong nasa Maynila na ‘yun, mas mahihirapan tayo!
GOON 1:Bossing, madadakma na namin, pero nauna ‘yung isang grupo.
SHIMANO:Ahhh! Puro palusot! Kailangang mapasa-akin ang huling peseta ni Hudas!
GOLEM:Mga gung-gong! Puro palusot! Kailangang mapasa-kamay ni Among Tunay ang huling peseta ni Hudas!
GOON 1:Bakit peseta ni Hudas? Bakit hindi na lang ang Balbas ni Hestas? O kaya punja ni Hitler? o patilya ni Elvis?
Sesenyasan ni Shimano na lumabas ang mga GRO. Susunod ang mga babae.
SHIMANO:Gung-gong! (BABARILIN ANG GOON)
GOLEM:Gung-Gong! (BABARILIN RIN ANG PATAY NA GOON)
SHIMANO:Makinig kayo! Makapangyarihan ang peseta! Kaya hindi natatalo ang Israel sa giyera dahil hawak nila ang dalawampu’t siyam. Sapat na ang isa sa tatlumpo para ako ang tanghaling kingpin ng lahat ng organized crime syndicates sa buong mundo!
GOLEM:Para si Among Tunay ang tanghaling kingpin ng lahat ng criminal syndicates sa buong mundo!
Shimano faces the camera dramatically.
SHIMANO:Ipinangangako ko, gagawin ko ang lahat para makuha ang peseta ni Hudas, kahit maging ano pa man ang kapalit nito!
GOLEM:Kahit ano pa man ang maging kapalit!
SHIMANO:Hindi lang ‘yun! Alam ko ang bawat kilos ni Dr. Bruno Baticobra dahil may mata akong nagmamatyag sa kanya!
GOLEM:Hindi n’ya alam. May mata si Among Tunay na minamatyagan siya!
Tatawa si Shimano. Tatawa rin si Golem.

FADE OUT / FADE IN TO:
25. INT. BRUNO’S APARTMENT - DEN / DAY
Open sa mata ni Ruben looking through a magnifying lens na pinag-aaralan ang tattoo sa p’wet ni Woog. May mga trophies and mementos sa paligid from Bruno Baticobra’s previous adventures.
Pasok si Chicklet, nakangiti. May busal si Polly.
CHICKLET:Good morning, Sir Bruno.
RUBEN:Hehehe... Binusalan na para hindi mambuking.
Hindi siya papansinin ni Chicklet, instead kay Woog ang attention niya. Her expression changes na maiiyak.
CHICKLET:Sino siya?
RUBEN:If you’re thinking na anak siya sa labas ni Bossing, nagkakamali ka! Napulot lang ‘yan sa bangkok!
Lalapit si Chicklet and hugs Woog. Makikita niya ang tattoo sa p’wet ni Woog.
CHICKLET:Bangkok? Bakit alibata ang tattoo?
BRUNO:‘Yun nga ang ipinagtataka namin. Ang kasunod na letra ay nakita ko sa painting ni Juan Luna na Blood Compact.
CHICKLET:Patingin nga!
Ipapakita ni Bruno ang kinopya sa painting. Nagiging excited si Chicklet.
CHICKLET:Parang may nakita ako na ganyang inscription! Halikayo!
RUBEN:Saan?
CHICKLET:Sa Museum.
Lihim na ngingiti si Ruben.
CUT AWAY TO:
26. EXT. MAKATI STREET GOING TO THE MUSEUM / DAY
Paglabas sa Land Cruiser, nagmamadali ang tatlo na papasok sa museum, pero may cart ng kwek-kwek sa tabi ng building. Magpapaiwan si Ruben.
RUBEN:Dito muna ako, hehehehe...
Tutuhog na si Ruben at sarap na sarap na kakain. Papasok na sa loob sila Bruno and Chicklet.
CUT AWAY TO:
27. INT. MUSEUM GALLERY / DAY
Open sa painting ni Botong Francisco na Katipunan. Lihim na nag-uusap sila Bruno and Chicklet. Kinokopya ni Bruno ang alibata from somewhere sa painting and idudugtong ito sa dalawa pang clue. They match up.
CHICKLET:Sir Baticobra, narinig na ba ninyo ang alamat ng huling peseta ni Hudas at paano ito nakarating sa Pilipinas?
BRUNO:Oo. Ikin’wento ito sa aking ng dati kong professor na Americano nang nag-aaral pa ako. Interesting. It fired my imagination then. What about it?
CHICKLET:I think hawak mo ang clue para makita ito.
BRUNO:You mean, ‘tong tobacco ko?
Iiwan siya ni Chiclet.
CUT TO:28. EXT. MAKATI ROAD / DAY
May kausap na lalaking naka-formal attire si Ruben, isang Japanese (SI SHIMANO -- PERO HINDI NATIN IPAPAKITA; PURO HINT LANG.) tumutuhog rin ng kwek-kwek, putol ang hinliliit. nagtatawanan sila. Nang parating na sila Bruno and Chicklet, sasakay ng taxi ang lalaki, nagmamadali. Tutuhog ulit ng kwek-kwek si Ruben.
BRUNO:Sino kausap mo, Ruben?
RUBEN:Hindi ko itinanong pangalan. Naghahanap ng lumang mga coin. Hirap ngang kausap eh. Pero nasarapan sa kwek-kwek nang matikman.
BRUNO:Mahihirapan ka talaga. Sa tinggin ko, Hapon eh.
RUBEN:Paano mo nalaman na Hapon?
BRUNO:Kase ganito ang mata niya (PULLS THE SIDE OF HIS EYES TO SLANT DOWNWARD) Kung Chino ‘yun, ganito ang mata niya.(PULLS THE SIDE OF HIS EYES TO SLANT UPWARD)
RUBEN:‘Musta naman ang punta n’yo sa loob?
BRUNO:Okay lang. Me clue ulit. Siguro nasa Cambodia ang kasunod na clue kase ayon sa d’yario, sa Cambodia kinidnap si Woog. Pinatay ang mga magulang niya. Kailangan lang natin malaman kung sino ang nag-tattoo sa kanya.
RUBEN:Eh di pupunta tayong Cambodia?
Tatango si Bruno.Mangingiti si Ruben; hindi kikibo si Chicklet.
FADE OUT / FADE IN TO:
29. INT. BRUNO’S APARTMENT- LIVING ROOM / NIGHT
Lumalantak ng chibog si Woog; nakatanga sa kanya si Ruben.Nag-uusap ang si Bruno and Chicklet about the missing piece of the thirty silver coins. (MAY VIDEO SUPPORT ANG STORY TELLING. V.O. ANG CHARACTERS INVOLVED SA RECOUNTING OF THE EVENTS)The video is super-imposed sa side as Bruno relates: (FILM CLIP OF PANGMAHAL NA ARAW NA PELIKULA. MAS MATANDA MAS OKAY)
BRUNO:Ayon sa aking dating professor, bago magbigti si Hudas, ibinalibag niya sa templo ang 30 pirasong pilak. Isa ay tumalbog at napunta sa kanyang robe. Nang magbigti siya, nahulog ito. Natakpan ng bumulwak na dugo mula sa kanyang bibig. Ito ang dahilan para hindi ito malikom nang kumpleto. It happened in a morning, kaya ang clue sa dalawang painting denotes that time of day.
The video is super-imposed sa side as Chicklet relates: (SUGGESTED FILM CLIP: SIETE INFANTES DE LARA)
CHICKLET:Nang sakupin ng mga Moro ang Jerusalem, nakuha ang huling piraso ng pilak ng isang Moro at nagpasalin-salin sa kanyang lahi.
The video is super-imposed sa side as Chicklet relates: (SUGGESTED FILM CLIP: SIGURO FPJ’s PUERTO PRINSESA)
CHICKLET: (CONT’D)Isa sa mga napagsalinan ng pilak ay nakarating sa Borneo na kasama ng Sampung Datu na pumunta sa Pilipinas. Ang unang naghanap sa nawawalang piraso ng pilak ay si Marco Polo, pero hindi siya nakating sa Pilipinas (HANGGANG CHINA LANG).
May kakatok. Bubuksan ni Ruben. Tititig ito sa nag-uusap na sila Chiclet and Bruno, matamang makikinig.
CHICKLET:Ang kaalaman sa pilak ay umabot kay Limahong. Imbis na pangatawanan ang pagiging pirata, minabuti nito na makipagkalakalan sa mga Filipino dahil alam niyang hindi siya mananalo sa labanan.
SHIMANO:Magandang gabi. Ako si Shimano Ariake, isang coin collector. Ito ang aking alalay na si Golem.
GOLEM:Ako ang kanyang alalay na si Golem. Siya ang aking Among Tunay na si Shimano Ariake na coin collector.
RUBEN:Siya naman ang aking Bossing na si Dr. Bruno Baticobra. At ‘yung babae ay si Chicklet.
Kakamayan ni Shimano si Bruno, pero hindi si Chicklet.
BRUNO:Ikinagagalak ko po. Nakita ko na kayo doon sa kwek-kwekan. Kausap ni Ruben. Matatas pala kayong managalog.
SHIMANO:Oo, dahil matagal na ako dito. Hindi ako magpapaligoy-ligoy pa. Interesado ako sa hinahanap ninyo. Ang lahat ng clue na nakuha mo, Dr. Baticobra, ay magtuturo lang sa isang bagay. Ang huling peseta ni Hudas.
Magkakatinginan sila Chicklet at Bruno.
BRUNO:Ano ho ang alam ninyo sa nawawalang peseta ni Hudas?
Ngingiti ang mag-amo.
SHIMANO:Ang sinumang may hawak ng pilak ay pinaniniwalaang magtataglay ng kakaibang lakas. Umaasa si Limahong na makukuha niya ang pilak sa mapayapang paraan. Ang sumunod sa kanya ay si Magellan na kahit mamatay na sa hirap, pinilit marating ang Mactan na pinaniniwalaan niyang kinalalagyan ng peseta. Nang makarating siya sa Limasawa, hinimok niyang maging kaalyado ang hari nito at lusubin ang Mactan. Kahit mas advance ang kanilang gamit pandigma, nagapi sila ni Lapu-lapu - ang may hawak ng peseta nang panahon na 'yun.
CHICKLET:Bakit po ninyo alam ang tungkol dito?
SHIMANO:Sumubok rin kaming mga Hapon, pero nabigo kaming makita man lang ang peseta ni Hudas. Ang giyera sa Silangan ay hindi nararapat dahil kahit kailan ay hindi itinuring na kaalyado ni Hitler ang mga Asyano. Mababa ang tingin niya sa atin. Ang giyera sa silangan ay para madomina ng Asyano ang mundo -- kung makikita ng Japanese Imperial Army ang huling peseta ni Hudas.
Iiyak si Woog. Masakit ang t’yan sa kakakain.
SHIMANO:Kilala kita, Dr. Bruno Baticobra. Isa kang batikang cultural anthropologist. P’wede mo ba akong tulungang hanapin ang huling peseta ni Hudas. Babayaran kita kahit magkano. ‘Eto ang larawan ng peseta.
Shimano Ariake puts down the picture of the silver piece. Titingnan ito nila Bruno and Chicklet. Pati si Polly ay makikitingin. Mapapansin rin ni Bruno ang putol na hinlalaki ni Shimano.
POLLY:Arrkk!!! Huling peseta ni Hudas! Huling peseta ni Hudas! Huling peseta ni Hudas! Break it down.
Atungal si Woog.
BRUNO:Naku! Nilantakan kase ang -- Istorbo... (TO SHIMANO) P’wede po ba sa ibang araw na kayo bumalik, Mr. --
SHIMANO:Ariake. Shimano Ariake. Coin collector.
Ihahatid ni Ruben sa door si Shimano. Bago ito tuluyang umalis, mag-iiwan ng salita.
SHIMANO:Tandaan mo, Dr. Bruno Baticobra, kahit magkano, handa akong bayaran ka.
Shimano leaves. Kumakaway pa si Ruben.
BRUNO:Hoy, Ruben! Mag-impake ka! Bukas na bukas rin ay bibiyahe tayo! -- Cambodia!
RUBEN:Yoooohhhhoooooo!
CHICKLET:Teka, Sir Baticobra. Baka p’wede mo akong isama this time?
BRUNO:Bakit?
CHICKLET:Kung may alam ako na hindi mo pa alam, maipangangako mo ba na isasama mo ako?
BRUNO:Hindi pa rin.
CHICKLET:Kung sasabihin ko sa ‘yo ang susunod na clue, isasama mo na ako?
Mag-iisip si Bruno.
BRUNO:Sige. Deal.
CHICKLET:Sa ika-tatlumpong peseta nagsimula lahat ang k'wento ng agimat sa Pilipinas, una kay Lapu-lapu. Si Nardong Putik ang pangalawa sa huling may hawak nito. Bago mapatay si Nardong Putik ang pilak ay ipinasa niya sa isang bata na naging PHILCAG sa Vietnam.
BRUNO:Paano mo ito nalaman?
CHICKLET:Sir, tulad mo, obsessed rin ako sa alamat ng huling peseta ni Hudas.
POLLY:Bruno... Ewan ko ba kung anong klase kang lalaki at ako ay obsessesd na obsessed sa ‘yo? Ikaw ang aking Superman, ikaw ang aking Batman, ikaw ang aking Popeye the sailor... Ikaw ang aking pag-ibig! Arrrrkkhhhh! Break it down!
Mapapatinggin sila kay Bruno. Mapapahiya si Chicklet and she starts to fume sa gigil. Dadakmain niya si Polly, but the parrot flies somewhere na hindi na n’ya kayang abutin.
CHICKLET:Walanghiya ka! Itutusta kita!
POLLY:Kundi lang ako nahihiya, isisiwalat ko ang lahat ng nararamdaman ko. Bakit kase ang lakas ng appeal mo, demonyo ka! Arrkkhhh! Break it down.
BRUNO:Buking.

Halos matunaw sa hiya si Chicklet.
RUBEN:‘Kala ko siya lang sa buong university ang walang crush ke Bossing. Meron rin pala.
FADE OUT TO BLACK / FADE IN TO:
30. INT. APARTMENT UNIT / DAY
Lalabas ng room si Bruno, naka-adventure gear. Ruben is drinking coffee.
RUBEN:Ready na ako, Bossing!
BRUNO:‘Asan si Woog?
RUBEN:Ewan ko. Hindi sa akin natulog e.
BRUNO:Hindi rin sa akin ah.
Magkakatinginan sila at hahanapin si Woog.Darating si Chicklet, titingnan nila with suspicion.
RUBEN:Paano ka nakapasok?
CHICKLET:Bukas pinto e.
Bruno’s phone rings.
TELEPHONE:Hello. Nasa akin ang bata. Makukuha n’yo lang siya kapalit ng peseta.
ECHO SA PHONE:Kapalit ng peseta.
BRUNO:Hindi mo maaring gawing pamalit ang batang ‘yan sa peseta ni Hudas! Wala akong pakialam kahit ano gawin mo sa kanya! Hindi ko naman kaano-ano ‘yan e, ‘noh! Para sabihin ko sa ‘yo, mas lalo kong pag-iibayuhin ang paghanap dito para siguraduhing hindi ito mapupunta sa ‘yo!
Bruno clicks off the phone.
RUBEN:Bossing, totoo ba na wala kang pagmamahal kahit kaunti kay Woog?
Hindi kikibo si Bruno, pero his facial expression tells otherwise.
FADE OUT / FADE IN TO:
31. ANIMATED ART CARD.A plane's route (PHILIPPINES TO VIETNAM) is marked over a globe na ala-Google Earth.
FADE OUT / FADE IN TO:32. EXT. VIETNAM - SECLUDED RUNWAY SA GUBAT / DAY
The piper lands. Bababa sila Bruno and Chicklet. Maiiwan si Ruben.Mayaya-maya ay may lalapit. May dalang dalawang kabayo. Babayaran ito ni Bruno. Sasakay ang dalawa and leaves.
CHICKLET:Bilib ako sa inyo, Sir. Me back-up kahit saan pumunta.
BRUNO:Sa kanila nakasalalay ang buhay ng tulad kong adventurer. Kaya kung balak mong sundan ang yapak ko, mag-establish ka ng contacts sa lahat ng lugar sa mundo na kaya mo.
CHICKLET:Wala naman akong balak sundan ang yapak mo, Doctor Baticobra. Ngayon lang talaga ako sasama sa shindig mo. Tapos hindi na. Promise.
POLLY:Arkkkhhh!!! Bruno... Mahal ko. Handa akong sundan ka kahit saan... Arkkhhhh! Kahit sa dulo ng daigdig at sa lampas pa ng dulo ng daigdig! Break it down Arrrkkhhhh!
CROSS DISSOLVE TO:
33. EXT. MOUNTAIN TRAILS / DAY
Tuloy ang biyahe ng dalawa.
CHICKLET:Sir, bakit tukoy mo agad ang sementeryong pinaglibingan ng PHILCAG? Ang daming sementeryo rito. Karamihan pa nga, unmarked graves, killing fields.
BRUNO:Nang sinabi mo sa Vietnam ang hinala mo, naisip ko ang libingan na ito. 5 percent ng nakalibing dito ay Pinoy. The rest is international casting na.
Mapupuna ni Bruno na imbes na makinig, mesmerized lang na nakatingin sa kanya si Chicklet.
BRUNO:Bakit ka nakatitig sa akin. Me dumi ba ako sa mukha? (WIPES FACE)
CHICKLET:Hindi ako nakatingin sa ‘yo noh? Hitsura nito.
POLLY:Arkkhhh!, Darling ... Hindi ko marahil mapipigil ang sarili ko kung may instance na tayong dalawa lang ang tao sa isang secluded na gubat... Arrkkkkk!!!! Break it down!
BRUNO:Buti pa ang parrot mo, nagsasabi ng totoo.
Inis na magpapauna si Chicklet.Hindi nila alam, may mga taong nagmamatyag sa paligid. Isa rito ang hahawak ng baril.
FADE OUT / FADE IN TO:
34. EXT. CEMETERY / DAY
Open sa marker na may epitaph na Taga Lipa are. Nakapatong ang PHILCAG combat helmet sa puntod.
BRUNO:Taga Lipa are! Ala eh, Pinoy na pinoynga!
Babasahin ni Chicklet
CHICKLET:Sir Bruno, ano ang PHILCAG?
BRUNO:Alam mo ang tungkol sa peseta ni Hudas pero hindi mo alam ang tungkol sa PHILCAG?
With a brush Bruno meticulously goes over the tomb, sweeping every nook and cranny.
BRUNO:PHILCAG - Philippine Action Group. Mga engineers at technician sila na pumunta sa Vietnam War para tumulong sa reconstruction ng mga nasirang villages dahil sa giyera.
He discovers a joint that could be pried off. A Buck knife does the job.
BRUNO:Armado rin sila, para maki-laban in case lusubin ng mga Vietcong ang kanilang jobsite.
CHICKLET:Cool.
BRUNO:‘Eto. May nakabalot sa oil-cloth para hindi pasukin ng basa.
With almost reverence, he gets the content -- a balisong wrapped in Mckintosh cloth, keeping it from rusting. Medyo iba ang sukat nito sa beinte-nueve, may design ito ng sun peeping out from a mountain top, and a hole in the blade.Chicklet handles and studies it.
CHICKLET:Ang haba naman, Sir . Uummm.
BRUNO:Ang sarap itusok nito!
Mapupuna ni Chicklet ang design.
CHICKLET:T-teka. Alam ko ang lugar na ‘to. Nanggaling na kami rito ng mommy at daddy ko bago ako nag-college.
BRUNO:Alam mo? Saan?
CHICKLET:Sa Borneo!
May kukunin si Bruno sa kanyang bag, isang tin box na may lamang moulding clay. Ididiin niya rito ang balisong at mamarka ito. Ibabalik sana ni Bruno ang balisong sa pinagkuhanan niya --
CHICKLET:Sir, ibabalik mo? Bakit?
BRUNO:Wala. I think nakuha ko na ang dapat malaman. Hindi ako nagnanakaw sa mga puntod ng kapwa Pinoy.
CHICKLET:Hindi naman nanakawan, di ba? Pag-aaralan para malaman ng mas nakararami. ‘Di ba sir?
Iiwan niya si Chiklet. C
HICKLET:‘Di ba, sir! Sir! H’wag mo ko iwan!
Maglalakad na si Bruno papunta si labas ng campo-santo na pinagtatalian nila ng kabayo. Pagliko niya, Chicklet gets a swiss knife.
CUT TO:
35. EXT. CEMETERY GATE / DAY
Nakasakay si Bruno sa kabayo; hawak niya ang renda ng kabayo ni Chicklet. Darating si Chicklet na humihingal.
BRUNO:Ba’t ang tagal mo?
CHICKLET:Interesting ang mga naka-sulat sa epitaph ng mga puntod. Nainganya akong mag-basa.
Cut to: May mga paang nag-lalakad. Matatapakan ng isa rito ang dry twig na mapuputol.
Cut to: Paalis na sila nang tumigil si Bruno, makikinig. He cups his palms and put them behind his ears, enlarging the basin of his outer ears.
CHICKLET:Bakit, Sir?
BRUNO:Tularan mo. Mas lalakas ang pandinig mo.
CHICKLET:(GAGAYA) Oo nga, ano. May naririnig ako doon. (POINTS)
Bruno jerks his mount.
BRUNO:Halika na! Hiyaaaa!!!!
Sunod si Chicklet. Lalabas sa mga bushes ang mga yakusa. Aangil ang naka-kubling dalawang trucks, motorcycles at dalawang 4X4. Sakayan ang mga yakusa. Hahabol.
CUT TO:36. EXT. FOREST TRAILS / DAY
Hinahabol sila Bruno. Idadaan niya sa makikipot na lugar ang kabayo na mahihirapang ipasok ang mga trak, pero maipapasok rin. Isa ang mababalahaw. Babaan ang mga sakay at ihahahon ang truck, ilang cycle riders rin ang magsesemplangan. Tuloy sa paghabol ang dalawang jeep at ibang motorcycles.
CUT TO: Nang maka-ahon ang mga trak, they join the chase.
CUT TO: Makikita na Chicklet is lagging behind. Maka-ilan beses ring babalikan siya ni Bruno.The trucks joins the two jeeps and the cycles in the chase. Barilan.(STUNT DIRECTOR’S AND DIREK TONY’S CALL)
CONTINUE TO:
37. EXT MARKETPLACE / DAY
Pagliko nila, isang marketplace ang tatambad kila Bruno. Habulan pa rin. Lundagan at iwasan sa mga tindero at stalls ang kabayo nila Bruno and Chicklet. Sasagasaan naman ito ng mga yakusa na bumabaril pa. Two more motorcycles are out-commisioned when they hit a gas station. Sasabog ang gas station.May mga scaffolds na babagsak, mga manok na magliliparan at mapupunta sa drivers.Bruno gets his radio and calls.
BRUNO:Snake One to Snake Two. Come in Snake Two. Salubungin mo kami sa River Way.
Bruno waits. Static lang ang sagot.
BRUNO:Come in Snake Two! Kakantutsa!
Ibabalik sa bag ang radio. Bibilisan ang kayog sa kabayo.
CUT AWAY TO:
38. EXT. SECLUDED RUNWAY SA GUBAT / DAY
(SFX: SLOW MUSIC NA PAMPATULOG)Naka-earphone si Ruben, nakasandal sa puno na nagrerelax, chewing on a stem of grass.
CUT AWAY TO:
39. EXT. RIVER WAY / DAY
Camera opens sa street na kita ang kabilang kanto. Liliko mula rito si Bruno, followed by Chicklet, coming towards the camera. Then pasok ang jeeps at mga trucks.The river is seen. It is about ten feet lower than the road level.Hinto si Bruno at Chicklet. Mag-iisip kung palulundagin ang kabayo nila.
BRUNO:Wala si Ruben! Kakantutsa! Kakantutsa talaga!
Sisilip sa bag ni Chicklet si Polly.
POLLY:Talagang kakantutsa! Kakatutsa talaga! AAARRRkkkhhhh!!!! Break it down!
Isang trak ang liliko at e-exit sa frame.Makikita na papalapit na ang mga goons. May iba na maglulundagan na sa sasakyan at hawak ang kanilang mga armas.Bruno decides.
BRUNO:Talon!
CHICKLET:A-ano? Ulitin mo nga!
BRUNO:Talon.Aagawin ni Bruno ang renda kay Chicklet at hahatakin ang kabayo sa kanyang pagtalon. kasunod nila ang natitirang motorbikes into the river.
CHICKLET:AaaaayyyyyyyyyyyyyyyYYYY!!!!!
POLLY:AaaaayyyyyyyyyyyyyyyYYYY!!!!! Breaeeeakk ittttt dowwwwnnnnnnnn!!!!
CUT AWAY TO:
40. EXT. SECLUDED RUNWAY SA GUBAT / DAY
(SFX: SLOW MUSIC NA PAMPATULOG)Naka-earphone rin si Ruben, nakasandal sa puno na naghihilik at tulo ang laway.
CUT AWAY TO:
41. EXT. RIVER WAY GOING TO THE OPPOSITE BANK / DAY
Lumalangoy ang kabayo nila Bruno and Chicklet. Nasa balikat ni Chicklet si Bruno, nanginginig sa ginaw.Pauunahin ni Bruno si Chicklet, aalayan pagpanhik sa breakwater. A hand helps Chicklet up. Pagtingin nila Bruno, isang goon, nakangiti.
GOON:Matutuwa si Among Tunay nito.
Tatawa ang goon at kakaladkarin ang struggling na si Chicklet papunta sa trak nila. Hindi makapanhik si Bruno dahil may nakatutok na baril sa kanya. Pagsakay ng goon, tatawagin niya ang mga kasama.
GOON:Mga repax, ‘lika na!Aandar ang trak. Hahatawin ni Bruno ang kabayo and he makes a long round papanhik sa kalye.
CUT AWAY TO:
42. EXT. SECLUDED RUNWAY SA GUBAT / DAY
(SFX: SLOW MUSIC NA PAMPATULOG)Wala na sa porma ang pagtulog si Ruben, tulo laway pa rin at nagsasalita na bukod sa paghihilik. (ADLIB LANG PO ‘TO)
CUT AWAY TO:
43. EXT. MOUNTAIN SIDE ROAD/ DAY
The horse gets out of the water ang hops on the pavement. Papanhik si Bruno sa higher ground at kita niya ang mga sasakyan. He gives the horse a jerk at kakaripas ito.Makikita ng last truck sa convoy ang paparating na si Bruno. (SI CHICKLET IS IN THE OTHER TRUCK, SECOND TO THE LAST VEHICLE.)
ANOTHER GOON:Barilin n’yo!
Bagbabarilin nila si Bruno. Ilag lang ng ilag at kaliwa’t kanan ang hataw sa kabayo.Bruno gains. Hahawak sa trak. ‘Yung goon na about to shoot ay mahahawakan ni Bruno and is pulled out of the trak. Camera sa gumugulong na goon.
INT. TRUCK -- Babaril ang kasama nito. Makailag si Bruno at magsusuntukan sila. The last man sa trak ay hindi alam kung sino ang babarilin. Finally he decides to shoot anyway. Sapol ang kakampi niyang goon. When he fires another shot, the response is a hollow metallic click.Bruno gives him no chance to reload. Dadambahin niya at suntukan sila. Nang mapa-ilalim si Bruno after some nasty beatings, maisisikad niya ang paa and flips away the goon out of the truck.
EXT. TRUCK --- Lalabas si Bruno ang climbs sa canvas roof to get access sa driver seat. Nang nasa estibo na siya, bubuksan ng alalay ng driver ang pinto at bibitin si Bruno, papaipit sa gilid ng bundok. Bruno gets on the hood. Babarilin siya ng mga goons. Panhik sa roof si Bruno. Pagbabarilin siya ng dalawang goons causing the driver to miss a turn.Bago mahulog ang trak, Bruno is able to spin his baticobra to a tree sa roadside. Camera sa nahuhulog na trak.
GOONS: (OFF CAM)AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHhhhhhh!!!!
Bruno swings on the roof of the next truck a level below them.
INT. THE OTHER TRUCK -- He flips himself in.Hawak ng isang goons si Chicklet. May isang goon na nakatutok ng baril sa kanya at isa pa na nakatutok ng baril kay Bruno.Girian. The truck stops suddenly at mao-off balance sila. Puputok ang baril, luckily, walang tatamaan.Pagtayo nila, Shimano is outside the truck. Around him are his goons and Golem.
SHIMANO:Ibaba ang mga ‘yan!
EXT. TRUCK -- Itutulak pababa sila Chiclet at Bruno.
SHIMANO:Pinabibilib mo ako, Dr. Baticobra. Ano ba ang mahalaga sa ‘yo, ang nakuha mong clue o ang babaeng ito?
Hihimasin ni Shimano ang buhok ni Chicklet. Gigil na nakatinggin kay Shimano si Chicklet. Hahalikan ni Shimano sa noo si Chicklet.Hindi makakibo si Bruno.
SHIMANO:Hindi ka makasagot. Either na mas mahalaga ang babae kaysa sa clue, or s’wapang ka lang talaga, Dr. Baticobra.
GOLEM:S’wapang ka lang talaga, ‘di ba, Dr. Baticobra? Gusto mo pareho!
Sisipain siya ni Chicklet. Tulpit si Golem.
SHIMANO:Ang clue!
BRUNO:Wala sa akin. Iniwan ko sa puntod.
SHIMANO:Iniwan mo? Bakit wala roon!?
Magtatakang titingin si Bruno kay Chicklet.
SHIMANO:Isa lang ang paraan para malaman natin ang totoo.
Kilos ang mga goons. Tututukan nila ng baril si Chicklet at Bruno.
SHIMANO:Maaring isa sa inyo ang nakaka-alam. Malamang, pareho. P’wedeng patayin ko muna si Dr. Baticobra at mapipilitang magsabi ng totoo ang babae -- or patayin ang babae, at malalaman ni Baticobra na hindi ako nagbibiro.
Dudukutin na ni Bruno ang clay pack sa bag niya pero --
CHICKLET:Hintay. Nasa akin ang clue. H’wag n’yo lang saktan si Bruno.
Kukunin ni Chicklet sa bag ang balisong. Tatawa si Shimano. Maalimpungatan si Golem at tatawa rin. Iaabot ni Shimano kay Golem ang balisong at ilalagay ito ni Golem sa kanyang bag. Lalakad palayo sila Shimano at sasakay sa kanilang mga sasakyan, maiiwan sila Bruno and Chicklet.Yayakap si Chicklet kay Bruno. Bruno returns the hug.
FADE OUT / FADE IN TO:
43. ANIMATED ART CARD.A plane's route (VIETNAM TO LUNDU, INDONESIA) is marked over a globe ala-Google Earth.
CUT TO:
44. INT. PIPER PLANE-COCKPIT / NIGHT
Tulog si Chicklet, nakangiti, nakahilig kay Bruno. Nag-iisip lang si Bruno. Ruben is navigating the skies.
FADE OUT / FADE IN TO:45. EXT. LUNDU, INDONESIA - SECLUDED AIRFIELD / DAY BREAK
Pit stop sa Lundu. Makikita ang shadow lang nila Ruben and some crew working on the piper in the background.Nag-uusap sila Bruno and Chicklet, facing each other in the foreground.
CHICKLET:Bakit tayo nandito?
BRUNO:Dalawang bagay. Hindi kayang bumiyahe ng isang pasada ang piper mula Vietnam to Borneo. Kailangang mag-karga ng gas at engine check. Pangalawa, may kakausapin ako.
Hahawak sa kamay ni Bruno si Chicklet and maglalakad sila towards the cam.
CROSS DISSOLVE TO:
46. INT. LUNDU, INDONESIA - BLACKSMITH SHOP / DAY
Open sa table ng blacksmith, makalat, mauling. Hahawiin ng kamay ni Bruno ang kalat at ibabagsak ang clay pack.Mag-uusap si Bruno and the blacksmith in the Indonesian language. May sub-title sa ibaba as translation.
BLACKSMITH:(IN MALAY) Brada, ang tagal mong hindi nagpakita. Saan ka ba naglulungga?
BRUNO:(IN MALAY) Ang ahas at musang ay may lungga, pero ang katulad ko ay bagamundo. D’yan lang sa tabi-tabi, ‘Tol.
BLACKSMITH:(IN MALAY) Ano ba ‘tong raket mo sa ‘akin?
BRUNO:(IN MALAY) Repax, Kopyahin mo lang. Parehong pareho, pero itaas mo ng kaunti ang araw at medyo ibaba mo ng kapiyangot ang butas.
BLACKSMITH:(IN MALAY) Kapiyangot la-ang?
BRUNO:Won. Basit la-ang
.BLACKSMITH:Won, Manong.
CUT TO:47. EXT. LUNDU, INDONESIA - SECLUDED AIRFIELD / DAY
Pagdating nila Bruno, naghahanda na si Ruben. Tutunog ang satellite phone niya. Lalayo si Ruben.Iiwasan niyang marinig ni Bruno and Chicklet. (MAKIKITA NATIN SIYA NA MEDYO NAG-AALALA).Polly perched on his shoulder and leans on the phone.
RUBEN:Oo! Oo sige na!
Hindi alam ni Ruben, na-pick up na ni Polly ang pinag-uusapan nila.
FADE OUT / FADE IN TO:
48. ANIMATED ART CARD.A plane's route (LUNDU, INDONESIA TO BORNEO) is marked over a globe ala-Google Earth.
FADE OUT / FADE IN TO:
49. EXT. SEASHORE NEAR MOUNTAIN / EARLY EVENING
Tahimik na nag-land ang piper malapit sa shore line. Itatago nila Bruno at Ruben ang piper sa gilid ng bundok. Nang ma-secure na ang eroplano, the two join Chicklet na sinusubaybayan through binoculars ang activities sa camp ng yakusa and merceneries. May mga ilaw rito. Habang sinusubaybayan nila ang yakusa camp, may matang naka matyag kila Bruno. A very old man detaches himself from the bushes at tatalilis.
CUT AWAY TO:
50-A. EXT. YAKUSA-MERCENARIES’ CAMP / NIGHT
Makikita natin ang silhouette ni Bruno na papunta sa camp ng mga yakusa, patago-tago sa mga halaman.Tanaw niya ang tent ni Shimano sa hill side. Bruno spins the baticobra.
CUT TO: -- NEAR THE CAMP GATE. Isang yakusa na makapal ang eye-glasses ang may kasamang dalawang prosti. Biglang sasama ang mukha, hihinto ito at sesenyas na eebs muna nang mapadaan sa KYBO.
YAKUSA:Onkyo, Komatsu, Noritake!
PROSTI 1:Ano raw? Ikaw ang marunong magJapan.
PROSTI 2:Samahan mo raw siya. (TO THE YAKUSA) Noritake, Yamaha!
Itutulak ni prosti 2 si prosti 1. Alanganin sumama si prosti 1 sa loob ng kasukalan.Papasok sa KYBO (LATRINE WITH BURLAP WALLS) ang yakusa, makikita na isasampay ng yakusa ang kanyang pantalon sa burlap. Naiinis na parang asiwa si prosti 1.Paglingon niya, may kamao na susuntok sa mukha niya. Tulog ang prosti. Kakaladkarin ng anino ni Bruno ang babae. Huhubaran.
DISSOLVE TO: -- Inaayos na ni Bruno ang sarili na suot ang damit ng prosti.
YAKUSA: (OFF CAM)Honda! Honda!
React si Bruno. Nakalabas ang kamay ng yakusa na parang may hinihintay iaabot sa kanya.
BRUNO:(TO SELF) Honda?
Tatango si Bruno as if knowingly. Kukuha ng mga dahon sa paligid.
BRUNO:Honda!
Iaabot ang dahon sa kamay ng yakusa.
YAKUSA: (OFF CAM)(SINGS) Sa bukid wara pa-per; kiskis mo sa piraper... Ahhhhhh....Oishi!
Lalabas ang Yakusa at aakbay sa kanya. Parang nandidiri si Bruno. Kober ng mukha si Bruno at umiiwas na madaiti sa kamay ng yakusa.
CUT TO:
50-B. INT. SQUAD TENT, YAKUSA-MERCENARY CAMP / NIGHT
OPEN sa tattoo na aguila. (SFX: ONE DRUM BEAT NA PARANG SA LOGO NG GOLDEN HARVEST FILMS)
CUT TO: Tattoo ng sisiw.(SFX: ONE DRUM BEAT ULIT)
CUT TO: Tattoo ng tiger. (SFX: ONE DRUM BEAT ULIT)
CUT TO: Tattoo ng pusa. (SFX: ONE DRUM BEAT ULIT)
CUT TO: Tattoo ng ahas. (SFX: ONE DRUM BEAT ULIT)
CUT TO: Tattoo ng bulate. (SFX: ONE DRUM BEAT ULIT)
CUT TO: Nakadapa sila Shimano at Golem sa bed, minamasahe ng mga alalay nila ang puno ng tattoo na katawan.Papasok ang yakusa na malabo ang mata.
YAKUSA:Mitsubishi, hakone, Aji-no-moto, haik!
SHIMANO:Ahhh... Yamaha! Seiko! Seiko!
Bow ang Yakusa, kinakabahan.
YAKUSA:Noritake.
SHIMANO:(GALIT) Noritake?! Noritakeee!?
Sasampalin ang yakusa. Bow ang yakusa.
GOLEM:Noritake!
Sisipain ni Golem ang yakusa. Bow ulit ang yakusa. Bubuksan niya wider ang flap ng tent at ipe-present ang dalawang prosti. Panay ang pa-demure ni Bruno.
YAKUSA:Nintendo!
Ngingiti sila Shimano and Golem na parang mga batang bibigyan ng bagong laruan.
SHIMANO AND GOLEM:Ahhhh... Nintendo --
SHIMANO:Onitsuka! Onitsuka-Asics!
YAKUSA:Onitsuka-Asics.
Bow na aalis ang yakusa. Sesenyasan rin ng dalawa ang mga nagmamasahe.
GOLEM:Onitsuka-Asics!
Papipiliin ni Shimano si Golem. Pipiliin ni Golem si Bruno.
GOLEM:Akin ka na ngay-on!
Adliban ng seduction skill ni Golem at kunyaring pag-ayon ni Bruno.
CUT TO:
50-C. INT. GOLEM’S TENT, YAKUSA-MERCENARY CAMP / NIGHT
Nakahiga na si Golem. Mapupuna ni Bruno na kumpleto ang mga daliri nito.
BRUNO: (BOSES BABAE)Sir, napuna ko na lahat ng yakusa may daliring putol. Bakit ang daliri mo kumpleto? Ano ang pinutol sa ‘yo?
Dadahan-dahan at nahihiyang titingin sa genital area niya si Golem.
BRUNO: (BOSES BABAE)Kawawa ka naman. ‘Di bale. Parang hindi putol ‘yan! Paliligayahin kita.
Ngingiti si Golem. Tumatalbog-talbog sa tuwa.
GOLEM:Start na.
BRUNO:Powder o o-wel.
GOLEM:Ikaw! Grrrr.... Oh, boy, tsalap-tsalap!
Pilit hahalik si Golem kay Bruno. Pipigilan ni Bruno.
BRUNO:T-Teka. Patayin mo muna --
Ingunguso ni Bruno ang lamp. Ngingiti si Golem at papatayin ang lamp.Darkness.Iilaw ang lamp. Wala na si Bruno.
GOLEM:Nissan! Nissan!
CUT TO:50-D. EXT. OUTSIDE YAKUSA-MERCENARY CAMP / NIGHT
Makikita ang shadow ni Bruno na tumatakbo palayo sa camp ng yakusa.
FADE OUT / FADE IN TO:
51-A. EXT. CAMP NILA BRUNO / NIGHT
Bruno arrives.CUT TO:
52-B. INT. SQUAD TENT CAMP NILA BRUNO / NIGHT
Tulog na si Ruben and Chicklet; magkahiwalay sila at both sides of the tent. Bruno has to choose where to lie. He chooses to sleep beside Chicklet. Nang humiga siya sa tabi ni Chicklet, she unconsciously snuggles on him. Bruno looks at her lovingly. Before he snuffs out the light, he plants a kiss on Chicklet’s cheek. She must have been dreaming about him and she whimpers.
FADE OUT TO BLACK / FADE IN TO:
53. EXT. MOUNTAIN SIDE / DAY BREAK
Makikita sa silhouette ang tatlo climbing the mountain side. Pan sa kabilang side. Kita naman ang grupo ni Shimano na pumapanhik rin.Shimano spreads his palm to Golem. Golem gives him the balisong. Shimano compares the design to the physical view at ituturo niya ang pupuntahan nila. Tuloy ang lakad ng grupo.
CUT AWAY TO:
54. EXT. MOUNTAIN SIDE - BRUNO FACE / DAY BREAK
Open sa design sa balisong. Camera tilts up a bit to show the similarities of the design to the actual scene. May hahanapin si Bruno sa slab na granite na may mga designs. He dusts it and a slot appears. Hihipan nila to clear further it’s inside. Bruno inserts the balisong in the slot.
CUT AWAY TO:55. EXT. MOUNTAIN SIDE - SHIMANO FACE / DAY BREAK
Hindi maintindihan ni Shimano ang logic ng clue sa balisong, parang walang reason bakit sila nandito. After several ways of figuring out, he gives up in a rage of tantrum. Makikita ang matanda na lumilitaw from a cover somewhere sa likod ni Shimano.
SHIMANO:Hindi ko ito maintindihan! Bakit walang bagay na magdudugtong! Aaahhhhh!!!!
Gigil na gigil ito at isasaksak sa unang mercenery na madaanan niya. Sisipain pa ni Golem ang mercenary na sinaksak.Lalapit sa kanya ang matanda.
MATANDA:Ginoo. P’wede akong tumulong sa ‘yo.Titigan ito ni Shimano.
CUT AWAY TO:
56. EXT. MOUNTAIN SIDE - BRUNO FACE / DAY BREAK
Just in time, the sun ray hit the balisong and casts a shadow to complete a design on the granite slab. Kinokopya ni Bruno sa tela ang hitsura ng nabuong image nang matigilan siya. Ang butas ay may sariling ray ng sun that pinpoints a spot in the image.
BRUNO:Alam ko ang lugar na ito. Isang templo sa Keopang, Indonesia. Mapanganib ang lugar. Dating mga buddhist na tumalikod na sa paglilingkod at naging mga assassins for hire. Ayoko na. Siguradong magpapakamatay lang tayo.
CHICKLET:Hindi ka dapat huminto ngayon. Mas madaling makukuha ng sindikato ang kasunod na clue o kung nandito na nga ang peseta dahil pera lang ang katapat. Marami sila pera! Manganganib ang buong mundo!
BRUNO:Alam mo ba ang salitang kamatayan? Tapos, wala na! Kaput! Dedo. (SLICES HIS NECK WITH HIS HAND) Eeekkk!
CHICKLET:Ano ba ang pagkaka-iba? Sa simula pa lang ay itinaya mo na ang buhay mo. Ngayon pa ba tayo titigil?
Yayakap sa kanya si Chicklet na naglalambing. Bruno’s face softened. Hahawakan ni Chicklet ang kamay niya, kukunin ang naiguhit na tela at ipapasok sa bulsa ni Bruno.Chicklets leads Bruno, holding his hands.
POLLY:Itaktak mo, itaktak mo! Arrkkkkhhh!!! Break it down,
Isang sulyap na pansin lang ang ibibigay ni Chicklet kay Polly, ngingiti at itutuloy lang ang lakad.Bababa na sila when they were rained with bullets.Tago sila. Dahil sa redundancy ng sounds, madali itong nakopya ni Polly.
POLLY:Ratatatatatatatatatttt
CUT TO: Mga mercenaries-yakusa. Tago ang mga mercenaries, giving the group of Bruno enough time for a narrow escape.
POLLY: (OFF CAM)Tatatatatatatatattatatt! Break it down.
Realizing na hindi sila binabaril, balik sa habol ang mga Yakusa at mercenaries.
GOLEM:Pirated ang tunog! Habulin.
Hahabol ang grupo. Hahabol si Golem. Dahil sa liit ng mga biyas niya, matutumba siya at magpapagulong-gulong.
CUT TO: Sampahan sa piper plane ang grupo ni Bruno.
CONTINUE TO:
57-A. INT. PIPER PLANE - OPEN SEA / DAY
Ayaw umusad ang piper plane. B
RUNO:Bakit?
RUBEN:Ewan ko. Maayos naman ito kahapon a!
SHOT TO: Mula sa likod ng bundok, litawan ang mabibilis na power boat ng yakusa.
CUT TO:
57-B. INT. PIPER PLANE - OPEN SEA / DAY
Bruno takes over from Ruben. A steam is fizzing out of a joint. Dudukutin ni Bruno ang bubble gum sa bibig ni Chicklet and uses it to seal the connection.Iilaw ang take off light, gauges start to register readings.Tinginan sila.Uusad ang piper.
EXTERIOR SHOT: Umuusad ang piper, pero hindi maka-take off.
INTERIOR SHOT.
BRUNO:Walang lift! Kulang sa draft at b’welo.
The throttle is pushed forward.
EXTERIOR SHOT. Makikita na hinahabol ng power boats ang piper and the distance between them shortens.
INTERIOR SHOT. Kita ni Bruno ang isang power boat na nanggaling from nowhere at papunta sa kanila, determnined for a head-on collision.Bruno pushes the throttle stick further. The engine gives a more fierce growl.
EXTERIOR SHOT. Tambutso ng piper. Mula sa mausok na exhaust, lilinis ito. The sleds lift off but bounces back on the sea surface.
CUT TO: Wide shot. Maiipit ng dalawang speed boat ang piper. Collision seems inevitable.
INTERIOR SHOT. Bruno tilts the steering wheel.
EXTERIOR SHOT, WIDE. The Piper lifts. Makikita na magbabanggaan na ang dalawang power boats.
CUT TO: Mukha ng pilot ng power boat. Makikita ang fear.
CUT TO: Mukha ng pilot ng another power boat. Same reaction.
CUT TO: Wide shot. Magsasalpukan ang dalawang power boats, makikita ang piper na lumilipad na.
INTERIOR SHOT. Chicklet cover face. Ruben and Bruno cheer. High and low fives sila.
RUBEN:Yiiipppeeeeyeeaahyoooo!
CUT TO. Boat ni Shimano. Nangigigil siya, kuyom ang palad. Pareho sila ni Golem.
SHIMANO:Bistayin!
Putukan ang mga yakusa.
CUT TO:57-C.
EXT. OPEN SKY - SEA / DAY
The piper does a fancy loop stunt.
CUT TO:57-D. INT. PIPER PLANE / DAY
Nakabitiw si Chicklet, bibitin sa bukas na pinto.
CHICKLET:Aayyyyyyyyyyyyyyyy!!!!
Hahabol si Ruben. He grabs Chicklet’s hands.
SHOT SA KAMAY NILA. Makakabitiw si Chicklet.
CUT TO:
57-E. EXT. OPEN SKY / SEA DAY
Makikita natin na nahuhulog si Chicklet from the plane.Chicklet swims papunta sa isang floating crate.
CUT TO:
57-F. INT. PIPER PLANE COCKPIT / DAY
Kita ni Bruno na sumampa ito sa isang floating crate, papasok sa loob.
CUT TO:
57-G. EXT. OPEN SEA / DAY
Dadaanan ng isang speed boat ang crate. Bibistayin ito ng bala.
CUT TO:
57-H. INT. PIPER PLANE COCKPIT / DAY
Sindak si Bruno as he watches the crate disintegrates to splinters and jagged pieces of wood sa dami ng balang tumama. Iikot pabalik na ang speed boat to join the herd.
BRUNO:Ruben! Ikaw dito!
Binigay niya kay Ruben ang control. The plane circles around the debris of the crate. Bruno jumps out of the plane nearest the spot where Chicklet disappeared.
CUT TO:
57-I. EXT. OPEN SEA / DAY
Kita na nag-dive si Bruno out of the plane.Langoy si Bruno, hanap. Sinisigaw ang pangalan ni Chicklet. Wala si Chicklet.

CONTINUE TO:
57-J. EXT. SHORE / DAY
Proceed si Bruno to the shore -- umiiyak.
SHOT SA HORIZON. Papalapit na ang mga speed boat.
Shift camera kay Bruno na dadamputin ang isang piraso ng splinter ng crate. Lilitaw from behind the rocks si Chicklet, nakangiti.Balik ang sigla ni Bruno. Magyayakap sila. Parehong walang masabi. Kakaway siya sa piper.
INTERIOR SHOT. POV ni Ruben. Kita niya na kumakaway si Bruno and Chicklet
RUBEN:Yyiiipppeeeeyyyeeaaahhheoooo!!!
POLLY:Yyiiipppeeeeyyyeeaaahhheoooo!!! Arrrkhhh! Break it down!
Ruben circles anew.Pakakawalan ni Bruno ang baticobra nang tumapat sa kanila ang piper. Pupulupot ang baticobra sa sled.Hawak niya si Chicklet and they hang sa piper.Maiiwan na galit na galit si Shimano at Golem.
CUT TO: Over the shoulder shot ni Shimano. Makikita ang piper na papalayo.

FADE OUT / FADE IN TO:
58. ANIMATED ART CARD.A plane's route (BORNEO TO KEOPANG, INDONESIA) is marked over a globe ala-Google Earth.
FADE OUT / FADE IN TO:59. EXT. KEOPANG, INDONESIA / COLLAGE - DAYMARKER NG LUGAR / ROADS LINED WITH COPRA / HANDICRAFT COTTAGES / TANNERY / SHIPYARD DISSOLVE TO:60. EXT. TANNERY SHOP / DAY
Shot sa billboard ng shop. Pan down sa entrance. Papasok ang grupo ni Bruno.
CROSS DISSOLVE TO: Lalabas sila na may dalang roll of leather si Chicklet na parang blanket ang size. May nagtitinda ng newspaper sa malapit sa tannery shop. Lalapit si Bruno and he scans some pages.Balik ang shot kila Ruben and Chicklet.
CHICKLET:Ang ganda! Buti na lang me pera pa si Vits. Mapapalitan ko na ang carpet sa sala ko!
RUBEN:Ang laki ng pinabili mo ke Bossing. (TITINGNAN NIYA ANG HAWAK NIYANG BALLPEN NA WOOD ANG CASE AND HE COMPARES IT SA DALA NI CHICKLET.) Baka wala nang paglagyan ‘yan sa eroplano.
CHICKLET:Naiwan naman ang tents and ibang gear ah!
RUBEN:Sige na nga! Kundi ka lang malakas kay -- Hmphhh!
CUT AWAY TO:61. INT. HOTEL SUITE / DAY
Nagma-martial arts routine si Golem. Shimano calls on his phone.
ECU sa bibig.
SHIMANO:Asan na kayo?
Hindi sasagot ang kausap.
SHIMANO:Sinabing asan na kayo eh!?
Hindi maiintindihan ng audience ang reply, pero ngingiti si Shimano. Kakaratehin niya ang ilang bricks na naka-salansan na. Tatawa ito.
SHIMANO:Golem, sabihin sa mga bata, pupunta tayong Keopang, Indonesia!
Tatawa si Shimano. Tatawa rin si Golem.
CUT AWAY TO:
62. INT. RESTAURANT KEOPANG, INDONESIA / DAY
Kumakain sila Ruben at Bruno. Empty ang seat ni Chicklet. Nakalagay rito ang binili niyang leather carpet. From a corridor that has CR signs, lalabas si Chicklet. She doesn’t seem to be fine.
BRUNO:Anything wrong?
CHICKLET:W-wala. Siguro epekto lang ‘to ng tanning liquid.
BRUNO:If you sez so.
Tuloy ang kain nila Bruno, Ruben at Bruno. Adliban.Camera kay Chicklet. She’s doing all her best not to burst in tears and she’s barely eaten a bite.
FADE TO BLACK / FADE IN TO:
63. EXT. RIVER/ NIGHTFALL
(SILHOUETTE TREATMENT)WIDE SHOT: Hihinto ang piper.
CROSS DISSOLVE TO: Magseset-up ng camp ang grupo.
CROSS DISSOLVE TO:
64. EXT. CAMP BY THE RIVER / LATER THAT NIGHT
Chicklet is ill. ‘Yung binili ni Bruno na leather carpet is set up as a lean-to. May bonfire. Maririnig si Bruno na kumakanta na plakado ang artist ng record. Somewhere, tulog na tulog si Ruben, naghihilik.Bruno attends to Chicklet. Nakatulog silang magkayakap.
FADE OUT TO BLACK / FADE IN TO:
65. EXT. CAMP BY THE RIVER / DAYBREAK
Establish daybreak.Nakatitig sila Bruno sa papasikat na araw, shielding partly their eyes from the rays. Ilalabas ni Bruno ang kinopya niya sa tela and compares the scenery. Nang magkahawig na, isang reflection na parang sa tanso ang tatama sa ilog at magba-bounce back.Bruno strips at bago lumundag sa ilog, kisses Chicklet.
BRUNO:Pamba-b’wenas. Kahit bastag lang muna!
Sisisid si Bruno, pero hindi niya maarok ang lalim ng ilog at wala sa kinakitaan niya ang pinanggagalingan ng kinang. Sa kanyang pag-ahon, nakita niya na reflection lang ito ng isang templo sa bundok. Nakatingin rin dito si Chicklet.
BRUNO:Wala sa ilalim.Tatango si Chicklet at ituturo ang pagoda sa gilid ng bundok.
DISSOLVE TO. Galing sa piper si Ruben. Ibabagsak niya ang isang lumang box. Bubuksan ito ni Bruno at kukunin nila ang dalawang lumang Thompson. May ibang weapons pa na natitira, ilang hand grenades & magazines. Bruno and Ruben run a fast check on their chosen weapon. Chicklet reaches in for one. Titingnan siya ni Bruno, kikindat lang si Chicklet and expertly checks her weapon.Magkakarga rin sila ng grenades.The box is closed.
BRUNO:Rock and Roll!
CHICKLET & RUBEN:Rock and roll!
Chicklet unwraps a gum and chews on it.

DISSOLVE TO:
66. EXT. CLIFF LEADING TO THE PAGODA / DAY
Pinapanhik nila ang bundok. Narating nila ang isang level ng parapet bago ang main entrance sa pagoda. Kapuna-puna ang isang parte rito ang makinang. Lalapit sila.
CHICKLET:‘Dito galing ang reflection. Hindi tanso. Marmol.Ang marmol ay may desenyo. Maraming ukit. Walang saysay.Ilalabas ni Bruno ang unang tela ng kopya ng tattoo ni Woog. Somehow, the copy complements the one particular abstraction. All the missing lines merge with Woog’s alibata.
BRUNO:Ruben, pengeng linen.
Ruben knifes a linen piece from a roll. Bruno traces the completed image.
CHICKLET:Bukod sa alibata, ang tattoo pala ni Woog ay parte ng design ng isang templo.
Bruno rises. Dramatic angle, slight upshot. Nakasalpak ang perpetual cigar sa kanyang bibig.
BRUNO:Oo. Alam ko ang templong ito. Sa Cambodia. Ang Rokna Taw Temple.
Isang putok. Tapyas ang maliit na cigar sa bibig ni Bruno. Sisindi ang cigar, Bruno puffs on it and spits it out. The reaction is instantaneous. Tago sila and fire at the direction where the shot came from.Ilang segundong barilan. Nang lumingon si Bruno, wala si Chicklet.
BRUNO:Chicklet! Chicklet!
Bumabaril siya as he searches for Chicklet within his immediate vicinity, calling her name.Gunbattle, explosions, etc... (STUNT DIRECTOR’S CALL)
Patuloy silang bumabaril. The intensity of their fire wanes to tinkles.
BRUNO:Wala na akong bala.
RUBEN:Ako man.
Slight upshot. Habang ina-assess ng dalawa ang kanilang sitw’asyon, kita sa taas nila ang maglilitawang mga yakusa at renegade buddhists. Kaunting bakbakan with the yakusa. (STUNT / FIGHT DIRECTOR’S CALL)Nasa kainitan ng laban nang lumabas sila Shintaro and Golem.
GOLEM:(POINTS AT BRUNO) Gusto ko siya! Amo, ipaubaya mo sa akin ang hambog na ‘yan!
Ngingiti si Shimano and slightly nods.Golem flexes his muscles and clicks his fingers. Porma ito ng karate na ala-Bruce Lee at susugod kay Bruno na mataas ang lipad at sunod-sunod na sipa reminiscence of Keanu Reeves in his gym bout with Laurence Fishburne in The Matrix!
Bakbakan na slapstick ala-Mini Me vs. Austin Powers. Bugbog si Golem. (FIGHT DIRECTOR’S CALL) Tatakbo si Golem, habol si Bruno. Magtatago sa likod ng dalawang binti. Nang tumingala si Bruno, nakangiti sa kanya ang isang buddhist na Bardagul. Aamba ang buddhist na babayuhin si Bruno ng hammer-sized fist nito.Ilag si Bruno.
BRUNO:Inakup!
Bakbakan sila (AGAIN, FIGHT DIRECTOR’S CALL). Hindi mahuli ng higante si Bruno na umiiwas lang na mahagip ng malalaking kamao ng buddhist. High-speed. Mapapagod ang buddhist, humihingal na babagsak.Bruno is joined by Ruben and papahiran siya ng pawis tulad ng corner man sa boxing.Shimano steps in with Chicklet.
CHICKLET:Bruno! Bruno!
Yayakap si Chicklet kay Bruno. Shimano snatches her away from him.
SHIMANO:Tama na ang drama. Akin na ang nakuha mong clue!
Mapipilitang ibigay ni Bruno ang linen.
CHICKLET:Sorry, Bruno. ‘Pinagkanulo kita. Hindi ako makatanggi. Ama ko si Shimano Ariake. Ang ginagamit kong apelyido ay sa nanay ko --
React si Bruno. Hindi makapaniwala sa narinig.
BRUNO:Ang haba ng nilakbay ko para hanapin ang huling peseta ni Hudas. Ang matatagpuan ko pala ay mismong si Hudas!
CHICKLET:Ginawa ko lang ito para makalapit ako sa ‘yo nang may basbas ng aking ama. Una ay para makasama lang sa mga lakad mo. Nang kidnapin nila si Woog, humahanap ako ng pagkakataon para iligtas siya. Kung magtatagumpay ako, mapapalapit ako nang husto sa ‘yo. Sorry --
BRUNO:‘Yun lang!? Ganoon kadali! Sorry?
CHICKLET:Alam kong hindi madali. Naki-usap ako na pagnakuha ko ang peseta, iiwan ka nila at hindi na gagambalin pa kailan man... Ganoon rin ako --
BRUNO:Kaya pala sa una pa lang, pilit mong ipinasok ang tungkol sa nawawalang pirasong pilak. Hindi ko pa alam kung saan patungo ang misteryo!
CHICKLET:Hindi mo alam kung gaano kahirap magkaroon ng amang katulad ni Shimano Ariake. (SHE SPITS HIS NAME WITH DISDAIN)
SHIMANO:Puro drama. Magpaalam ka na at aalis na tayo. Tumupad ako sa usapan. Buhay siya,
Tatalikod na umiiyak si Chicklet, pilit pa rin na inaabot ng kamay niya si Bruno kahit papalayo na sila.
Aalis ang grupo ni Shimano, tumatawa. Maiiwang galit na galit si Bruno.
FADE TO BLACK / FADE IN TO:
67. INT. CITY - HOTEL ROOM / NIGHT
Open sa baso. Bubuhos ang alak dito. Dadamputin ni Bruno at tutunggain.
BRUNO:Alak pa! Hik! Alak pa sabi!
Mapipilitang si Ruben na tagayan ulit ang baso. Isang tungga lang ke Bruno ang laman. Hihingi ulit.
RUBEN:Bossing, maghunos-dili ka. Ang dami mo nang nainom!
BRUNO:‘No ba pakialam mo sa akin? Ano ba pakialam sa akin ng mundo?
RUBEN:Hawa ka naman Bossing. ‘kala mo walang paki-alam ang mundo sa ‘yo. (MELODRAMATIC) Ako, hindi mo ba nakikita ang malasakit ko sa ‘yo? si Chicklet lang ba ang mahalaga sa ‘yo?
BRUNO:Hindi siya mahalaga! Hik! Ang ikinaiinis ko, na-jamboree ako ng isang babitski lang!
RUBEN:Umaayos ka nga. Walang-wala ka na sa hulog, pati pananalita mo! Bossing... Bossing, pakinggan mo ‘to.
BRUNO:Nakikinig ako. Hik! Ano!?
RUBEN:Ang sama ng porma mo. Paano kung malaman sa university ang lahat nang ‘to? Paano kung malaman na dahil sa isang babitski lang ngumalngal ka?! Baka hindi na Bruno Baticobra ang pangalan mo sa kanila!
BRUNO:Ano!? HiK! Sabihin mo!
RUBEN:Bruno Baticobrador na lang. Sayang. Mawawala ang pagka-astig mo.
BRUNO:(BLINKS NA PARANG MAHIHIMASMASAN) Ang pangit nga. Sa iyo na lang ‘tong alak!
RUBEN:‘Yoko nga’no. Masama sa atay ‘yan.
Isusubo ni Bruno ang cigar niya na walang sindi.
RUBEN:Bossing, bakit lagi kang me tobacco, ayaw mo namang sindihan?
BRUNO:Masama na sa baga ‘yun, ‘Teng.
Matutuwa si Ruben.
RUBEN:Yehey! Okay na ulit si Bossing! He’s back!
BRUNO:Ihanda mo ang gamit. Bibiyahe tayong Cambodia! sa Rokna Taw Temple!
Ruben packs up.
RUBEN:Teka Bossing, paano kung nakuha na nila Shimano ang kasunod na clue?
Naglalagay ng bala si Bruno sa kanyang Colt .45.
BRUNO:Imposible ‘yun. Hindi ko kinumpleto ang drowing sa linen. Hindi ko isinama ang clue buhat sa obra ni Juan Luna! Malamang n’yan doon sila pulutin sa kahawig na lugar. Doon sa peke!
Pupunit si Bruno sa linen roll at magsisimulang magdrowing.
BRUNO:Ganito hitsura noon eh!
Bruno shows the drawing to Ruben; camera catches it. High five ang dalawa
FADE OUT / FADE IN TO:
68. ANIMATED ART CARD.A plane’s route (KEOPANG, INDONESIA TO ANKOR WAT CAMBODIA) is marked over a globe ala-Google Earth.FADE OUT / FADE IN TO:
69. VARIOUS / COLLAGE OF VIDEO SUPPORTS
Open sa monologue ng Matanda with collages of scenes as video support.
MATANDA:Ang PHILCAG ay tuluyan nang nanirahan sa Vietnam dahil sa nakapag-asawa ito ng isang Vietnamese. Nang siya ay mabigyan ng bakasyon, naglakbay silang mag-asawa sa Southeast Asia. Pinag-aralan niya ang mga cultura ng mga bayan at dinesenyo niya ang isang kakaibang palaisipan. Nang nasa Borneo sila, itinago niya ang salapi sa bundok. Ang palatandaan ay iginuhit niya sa balisong.
VIDEO: Ibinabaon ng PHILCAG ang balisong sa bundok.
MATANDA:Ang palatandaan ay itinatak niya sa kanyang anak na may habilin na itatak rin sa kanyang anak ang katulad na tattoo.
VIDEO: Tinatatuan ng ama ang kanyang anak.
MATANDA:Sa pagbagsak ng Vietnam sa mga Komunista, patay na ang dating PHILCAG. Isinama niya sa kanyang libingan ang balisong.
VIDEO: Shot sa puntod ni PHILCAG.
MATANDA:Dahil alam ang tungkol sa peseta, bumiyahe ang anak ng PHILCAG sa Borneo at hinukay ang peseta para sa kanyang kapakanan.
MATANDA:Walang katahimikang dala ang peseta, puro bagabag ng konsyensiya. Pero may pang-akit ang peseta na hindi mapigil ng may hawak na iwan ito,
VIDEO: Animo baliw na hinuhukay ng anak ng PHILCAG ang peseta.
MATANDA:Ang anak ng PHILCAG ay nagpalipat-lipat hanggang makarating sa Cambodia at doon na nanirahan. Ang mga clue na iginuhit ng mga pintor ay dinugtungan lang ng ama ni Woog, dahil sa paglipat-lipat nila ng mga bayan sa paghahanap ng katahimikan na hindi niya makita kahit marami siyang pera kaya ibinaon niya ang peseta sa Rokna Taw.
VIDEO: Hindi makatulog ang anak ng PHILCAG.
MATANDA:Hanggang mapatay siya at ang kanyang asawa ng mga sindikato ng human trafficking.
VIDEO: Patay ang ina at ama ni Woog. Umiiyak si Woog na bitbit ng mga goons.

CUT TO:
70. EXT. ROKNA TAW TEMPLE, CAMBODIA, WRONG SIDE / DAY
Makikita ulit natin rito si Woog na nakagapos at kausap ng matanda si Shimano. Ang matandang hukluban ay nangungunyapit sa baston, bent and withered. Kasama naghuhukay ng mga yakusa ang mga mukhang Apolcalypto cannibals.
SHIMANO:Sino ka? Paano mo nalaman ang tungkol sa peseta ni Hudas, Tanda?
MATANDA:Nalibot ko ang buong mundo. Alam ko ang tungkol sa peseta. Alam ko kung saan inilibing ang PHILCAG. Pero hindi ko nakita ang naiwang balisong sa kanyang puntod. At tulad mo, hanggad ko rin makuha ang peseta kaya ako nandito sa Rokna Taw. Hanggad ko ang buhay na walang hanggan na hindi tumatanda at nagkakasakit. Hindi tulad ko ngayon.
Lalapit ang matanda kay Woog.
MATANDA:Nag-aral ako ng mga linguahe at hinanap ang peseta sa lahat ng dapat nitong pagtaguan. Sinubaybayan ko ang pamilya. Hindi ko magawang lapitan sa takot na paghinalaan ako. Naubos ang aking panahon. Tumanda ako na nararamdaman sa aking mga labi ang ginhawang idudulot ng peseta , pero hindi ko ito maabot, hindi sayaran ng panlasa.
SHIMANO:Tanda, hinde mo pa rin sinasagot ang tanong ko. Sino ka bang talaga?
MATANDA:Kilala ako ng buong mundo bilang si Samuel. Samuel Belebeth.
SHIMANO:Samuel Belebeth? . (SEARCHES HIS MEMORY) Hindi kita kilala.
Iiwan ni Shimano ang Matanda at babalikan ang mga naghuhukay.
SHIMANO:Ano!? Wala pa ba?
GOONS:Wala pa Among Tunay!
GOLEM:Abay, daliaan n’yo!
Maririnig nila ang angil ng piper. Magugulo sila. Ngingiti si Chicklet (YAKAP NI CHICKLET ANG LEATHER ROLL).
CHICKLET:Yes!
Golem warns her with a nasty look. Sisipain siya ni Chicklet. Tulpit si Golem.
SHIMANO:Ihanda ang mga armas!
CUT TO:71. INT. PIPER PLANE COCKPIT / DAY
Kita nila Bruno at Ruben ang mga naghuhukay.
BRUNO:H’wag mo silang pansinin. Ituloy mo sa dig spot.
RUBEN:Sinabi mo mo eh!
CUT TO:72. EXT. ROKNA TAW TEMPLE, CAMBODIA, WRONG SIDE / DAY
Bruno’s piper hovers.
SHIMANO:Fire!
May maglalabas ng portable anti-aircraft machine gun as support fire-power to the automatics.Pagbabarilin nila Shimano ang piper. Shock si Chicklet Lilipad naman si Polly.
CUT TO:72. INT. PIPER PLANE COCKPIT / DAY
Bullets ripping through the cockpit. React sila Bruno. Damages beyond control, papakapal nang papakapal na ang usok sa loob.
CUT TO:
73. EXT. ROKNA TAW TEMPLE, CAMBODIA, WRONG SIDE / DAY
The piper is seen in a crazy tail-spin na may buntot na usok. Iiyak si Chiclet.
CHICKLET:Bruno! Huhuhuhuhu... Bruno!
Tuwang-tuwa si Golem.
GOLEM:Patay na ang Bruno Baticobra mo! Bwa-hahahahahahaha!!!!
Magagalit si Chicklet.
CHICKLET:Ggggrrrrr!!!!Sisipain niya si Golem. Tulpit
Makikita na pabulusok ang piper sa likod ng templo. May malakas na pagsabog pagkawala nito sa likod ng foreground na temple.React sila Woog at Chicklet.
CUT AWAY TO:
74. EXT. TEMPLE CRASH SITE /DAY
Mula sa tip ng rising smoke, pan down. Makikita ang wreck ng piper sa unang layer ng templo. Tuloy ang panning. Sa susunod na layer ay nakalampitin si Bruno sa kanyang baticobra. Tuloy ang panning. Nakabitin si Ruben sa pantalon ni Bruno na malapit nang mahubo.
BRUNO:Ano ba?! Pantalon ko na ‘yan!
RUBEN:Bossing! Wala akong ibang makapitan!
BRUNO:Kumapit ka sa tainga mo!
Kakapit sana si Ruben sa tainga niya, pero maiisip na mahuhulog pala siya.
RUBEN:Bossing naman, nagbibiro pa! Huhuhuhu...
(SFX: DRUM BEATS)Tuloy ang panning. Apocalypto cannibals are gathering by the foot of the structure, dipping their arrows and spearheads to poison.
APOCALYPTO LEADER:Pada-estu! Pada-estu! Pada-estu! Pada-estu! Pada-estu! Pada-estu! Pada-estu!
APOCALYPTO CANNIBALS:Pada-estu! Pada-estu! Pada-estu! Pada-estu! Pada-estu! Pada-estu! Pada-estu!
Biglang may malakas na pagsabog -- katulad ng explosion when the piper crashed. Takot ang mga cannibals. Sabay ang sunod-sunod na putok ng machine gun.
POLLY:Ratatatatatatatat.... AAArrkkhhhh! Break it down!
Nang matauhan ang mga cannibals at makita ang parrot, wala na sa pagkakabitin ang dalawa -- ang baticobra na lang.
APOCALYPTO CANNIBALS:EEEEeeiiiiiiEEEEEiiiiiEEEEiiii!!!!
Hahabol ang mga Apocalypto.
CUT TO:
75. EXT. TEMPLE CAUSEWAY / DAY
(DIRECTOR’S CALL)Habulan up to:CUT TO:
76. EXT. CROCODILE SWAMP / DAY
Makokorner si Bruno and Ruben sa isang swamp na puno ng buwaya. May isang group ng mga buwaya na nakahilera patawid sa kabilang side.Sacred sa mga Apocalypto ang buwaya kaya they slow down, pero kita sa mukha nila ang takam kila Bruno.
APOCALYPTO LEADER:Pada-estu! Pada-estu! Pada-estu! Pada-estu! Pada-estu! Pada-estu! Pada-estu!
APOCALYPTO CANNIBALS:Pada-estu! Pada-estu! Pada-estu! Pada-estu! Pada-estu! Pada-estu! Pada-estu!
Kikindatan ni Bruno si Ruben.
BRUNO:Ready ka ba?
RUBEN:(KAKABAHAN) Ready? Ano’ng ready? Ano’ng iniisip mo? (ABOUT TO CRY)
Tatakbo si Bruno sa swamp, gagawing tulay ang mga nakahilerang buwaya. Igkasan ang bibig ng buwaya pero hindi nila nadale si Bruno.
RUBEN:Eeeiiieee. Hindi ko kaya. Takot ako sa buwaya!
Maiihi sa takot si Ruben. May sibat na tutusok malapit sa paanan niya. May mga pana rin. Adlib siya ng mga takot na reactions. Pikit-matang tatakbuhin ni Ruben ang nakahilerang mga buwaya.Pagdating sa gitna. Madudulas siya. Laglag sa swamp. Sa takot, tatakbo siya sa ibabaw ng tubig, habol ang mga buwaya.
Pagtawid ni Ruben, magsisimulang lumitaw sa mga tagong lugar ang tropa ni Shimano, handa ang mga baril.
SHIMANO:Alam kong mali ang ibinigay mo sa akin.
Sesenyas si Shimano. Hahawakan ng mga tauhan niya si Bruno at hahalughugin ang bulsa at bag. Makikita ng isa ang linen.
GOON:Among Tunay! ‘Eto na!
Masayang tatawa sila Golem at Shimano.Sisipain ulit ni Chicklet si Golem. Tulpit!
CUT AWAY TO:77. EXT. MONKEY TEMPLE / DAY
Open sa mga unggoy na nakahilera, quietly watching the procession of captors and captives parade below them. Suddenly they get excited as if anticipating a sumptuous meal.Nandoon si Woog, waiting. Despite his youth, naka-umang sa kanya ang automatic rifle.
SHIMANO:Natutuwa ang mga naghihintay, dahil may masarap na pagkain para sa kanila!
GOLEM:Pagkaing masarap na alay sa kanila!
Sesenyas si Golem. Enter ang ilang goons na papahiran ng honey sila Bruno, Ruben at Woog.
SHIMANO:Masarap, matamis na pukyutan para sa ating mga kapatid na unggoy!
BRUNO:Kapatid mo lang sila! Unggoy!
SHIMANO:Hindi mo ako maasar sa salita, Bruno. Ako ang magiging pinakamakapangyarihang unggoy matapos ko itong makuha. (RAISED THE FIST HOLDING THE LINEN DRAWING)
Biglang maririnig nila ang putok -- sunod-sunod. Pikit ang tatlo. Takbuhan ang mga unggoy.
POLLY:Ratatatatatatatatatatataaaaattt... AAarrrkkkhhhhh!!!! Break it down.
Kakalagan sila ni Chicklet, pero mahuhuli siya ng ama.
SHIMANO:Kung ang gusto mo ay makasama siya, okay lang sa akin.(TO GOONS) Mga bata, isama ang suwail kong anak. Ako ang tetepok sa kanila mamaya kung masisiguro kong tama ang nakuha nating clue.
CHICKLET:(SHOCKED) D-daddy --- ???
SHIMANO:Yes, my dear daughter Chicklet. Hindi ako manghihinayang mawalan ng anak kapalit ng peseta ni Hudas.
GOLEM:Ang peseta ay kapangyarihan! Bwa-hahahahahahaaaa!!!!
SHIMANO:Dalhin sila sa Templo ng Rokna Taw!
Bibihagin rin niya si Chicklet kasama kila Bruno at dadalhin sila sa Rokna Taw site.
CUT TO:
78. EXT. ROKNA TAW TEMPLE, CAMBODIA, CORRECT SIDE / DAY
Open sa hukay, may makukuhang maliit na treasure box. Bubuksan ito ng digger. Nandoon ang lukbutang katad na mukhang ang original na leather purse ni Hudas. Nangiginig na iaabot ito ng digger kay Shimano.
SHIMANO:Harharharharharharhar! Ang batis ng lahat ng agimat! Ang bukal ng kapangyarihan! Ang huling peseta ni Hudas! (LAUGHS)
GOLEM:Ang pesetang kabayaran sa isang pagkakanulo! Bwa-hahahahahaha!
Tawanan lahat ng diggers at mga yakusa.Hihinto sa pagtawa si Shimano. Hinto rin si Golem at lahat ng mga chu-chu-wa.Lalapitan ni Shimano ang mga bihag. Makikita na hindi nakatali si Chicklet at yakap niya ang regalong leather roll ni Bruno.
SHIMANO:Baka pagdating ng panahon, sino ang makakapagsabi, na maging isa kayo sa mga idolo na sasambahin ng mga pagano rito? Ang inyong mukha ay naka-ukit sa mga bato ng templo!
CHICKLET:Dad -- kung talagang katapusan ko na rin, maari bang dito mo ako ibalot sa regalo sa akin ni Bruno?
SHIMANO:‘Yan ang aking anak! Ipinagmamalaki kita. Alam mo kung kailan ka susuko! (LAUGHS) Sure, Chicklet baby. Sure.
Lalayo na si Shimano and some champagne start to pop around.
SHIMANO:Lahat kayo, kasama ko sa paghahari sa mundo! Lahat ng nandito!Sisimulang buksan ni Shimano ang leather pouch.Camera kila Bruno.
BRUNO:(WHISPERS TO CHICKLET) Ibalabal mo sa atin ang carpet. Dali. Kahit ano’ng mangyari, h’wag mong ililitaw kahit maliit na kapiraso ng iyong katawan.
Nagtatakang susunod si Chicklet. Compress down ang tropa. Chicklet engulfs them with the blanket.Camera sa coin pouch. Bubuksan ito ni Shimano at makikita ang peseta. May maliit na glow around it.Hahawakan ito ni Shimano. Hahawakan rin ni Golem at ni Samuel. Makikita ang pagkagahaman sa kanilang mga mukha as the glow from the peseta slowly increases. Shot sa baston ni Samuel, mabibitiwan niya ito ang he rises to his full height. Ang balbas at buhok niya ay iitim, mawawala ang mga peleges sa mukha -- babata siya.Suddenly, the power of the coin is unleashed. Mahina lang na parang long popping sound ang narinig pero ang explosion ay parang neutron bomb. Lahat ng may buhay ay nasunog, walang damage sa mga inanimate objects. Makikita na ang pagkasunog ng grupo ni Shimano ay mula sa loob. Magiging parang chips of charcoal pero glowing inside ang mga yakusa at Apocalypto cannibals.Tatakas si Polly, pero bago siya makapagtago sa leather na cover, mahahagip ang buntot niya. Sunog.Nang humupa ang silent explosion, lalapit si Chicklet sa alabok ng ama. Medyo may signs of mourning siya pero she restrains herself.
CHICKLET:Dad -- this may sound cruel, but you don’t deserve my tears.
Makikita ni Chicklet na dadamputin ni Bruno ang peseta with his leather pouch sa belt (BRUNO MUST NOT TOUCH IT WITH HIS BARE HAND). Alangan ang reaction ni Ruben, may takot.
BRUNO:Malamig na katad lamang ang kayang sumupil sa kapangyarihan ng peseta. Dito ito nakalagay mula pa nang mapasa-kamay ito ni Hudas.
pouch is slung on his belt. Group hug sila.
FADE OUT / FADE IN TO:79. EXT. PHNOM PENH AIRPORT / DAY
Establishing shot. Plane and human traffic.
CUT TO:
80. INT. PHNOM PENH AIRPORT - IMMIGRATION / DAY
Nakapila ang grupo. Jittery sila. Sumusungaw si Bruno sa bag ni Chicklet.
CHICKLET:Bruno, kinakabahan ako. Baka kumpiskahin nila si Polly. Walang papeles na katunayang sa atin siya. Mahal na mahal ko pa naman ‘yang loro na ‘yan!
Ruben bends to have a word with Polly.
RUBEN:Polly, kaya mo bang lumipad hanggang Pilipinas kung pakakawalan ka na agad ngayon?
POLLY:Hellloooo.... RRRRIIIINNGGGG. (BOSES NI RUBEN) Manang Krising, ‘yun pong utang ko, pagbalik ko na lang babayaran. Nasa out-of-town po kase kami. Opo. Sigurado na po ‘yun! (BOSES OLD LADY COMING FROM A PHONE) Naku, Ruben! Siguraduhin mo lang. Pag pumalkpak ka, hindi ka na makakautang! Arrrkkkkhhh! Break it down!
RUBEN:Buking!
Tawanan sila.
PUBLIC ADDRESS SYSTEM:Calling the attention of Dr. Bruno Baticobra and company. Dr. Bruno Baticobra and company, you are hereby ordered to proceed to the security room for important matters. Repeat: you are hereby ordered to proceed to the security room for important matters. This is not a request.
CHICKLET:Bakit kaya?
CUT TO:
81. INT. PHNOM PENH AIRPORT - SECURITY ROOM / DAY
Intimidating ang daratnan nilang mga tao sa security -- men in black type. Dramatic ang approach ng isa.
MOSSAD 1:Mga Mossad kami -- Israeli Intelligence Agency. Mayroon nasa inyo na pag-aari ng bansang Israel.Ibibigay ni Ruben si Polly.
MOSSAD 2 (BABAE): Hindi ang parrot. Ang peseta ni Hudas. Kailangan nitong makasama ang dalampu’t s’yam pa. Malaki ang maitutulong nito sa kapayapaang pandaigdig.
Mag-iisip sila, pero Bruno pulls the pouch sa belt niya, dangles it sa mga Mossad.
BRUNO:Hindi ninyo ito basta-basta makukuha ng walang kapalit.
Akmang bubunot ng mga side-arms ang dalawang Mossad na alalay ng bebot. Sesenyas ang babaeng agent na, “cool lang.”
MOSSAD 2:Sabihin mo. Ayokong dumanak ang dugo rito.
Tatalim ang mga mata ni Bruno.
BRUNO:P’wede bang palampasin na sa custom ‘yung parrot. (SMILES) Mahal na mahal kase ito ng mahal ko eh.
Tension is eased off. Ngingiti ang lahat.
MOSSAD 2:‘Yun lang pala e!
BRUNO:Break it down! Arrrkhhhhh!!!! (SINGS) Itaktak mo, itaktak mo......!
Sayawan sila ng Itaktak Mo.

FREEZE / ROLL CREDITS / PLAY THEME.