Friday, November 14, 2008

Insights and a Hurl of Challenge

Whew...! Funny how this industry works. 'Yung mga nandito na mga nag-haharing uri, natatakot na may mga ibang tao mas matalim pa ang isip sa kanila na makapasok sa industria na ito na minana nila sa mga henyo ng sining. Nakakatawang nakakainis. Isang araw magigising tayo na hindi lamang nananamlay ang industria, kundi tuluyan nang namatay. Paano kaya nila sasalagin sa susunod na henerasyon ang bintang na sila ang pumatay sa industria? Ang direktor (kuno) na ito ay inihalintulad ng isa kong kaibigan sa isang isnatser ng celphone. Malupit naman, sa isip ko. Tulad lang siya sa isang dyipni driver na binabarahan ang kalsada kung saan siya kumikita, para ang ibang mga gustong maghanapbuhay sa kalsadang 'yun ay maantala. Hagip niya lahat ang oportunidad. S'wapang.

Ngayon, ang claim niya ay ni-reject ang konsepto namin ng producer, at kasama raw kaming naki-pagmeeting sa producer at ni-reject sa harap namin. Hindi na namin siya kinontesta rito, dahil hindi ito naganap. Ang naka-meeting ng producer ng Octo Arts na sinasabi niya ay ang dalawang gag writers na aayos sana sa script ng ibang pelikula. Hindi kami!

Kung reject nga ang konsepto, hinamon namin ang kumag na direktor-direktoran na sabihin niya nang walang kagatol-katol na wala siyang ginamit sa konsepto.

'Eto ang mga punto na kinukontesta namin sa aming isinulat: (kung wala ito sa pelikula, buong pagpapakumbaba kaming hihingi ng paumanhin sa kanya.)

1) Ang Peseta ni Hudas.

a. Back history nito mula sa pagbibigti ni Hudas hanggang sa mapunta ito sa isang bata na pinagpasahan ni Nardong Putik. Ang bata ay naging PHILCAG, kaya nakarating sa Vietnam ang istorya.

2.) Ang quest. Mula pa sa panahon ni Marco Polo na nagtangkang hanapin ang peseta, kay Limahong, etc... Ang giyera sa Far East na ang WWII ay alibi lamang sa paghahanap ng paseta. Kailan man ay hindi itinuring ng white supremacist na aryan race na co-equal nila ang mga Asyano.

3.) Ang kapangyarihan ng pesta. Ito ay nagsi-symbolize sa ika-30th part ng pimambayad sa pagkakanulo sa Manunubos. Ang power nito ay 30th part ng lahat ng kasalanan sa mundo. Ito ay may kapangyarihan para sa eternal life. Wala sa history na namanay si Lapu-lapu, dahil hindi ito nai-record. Sa later revision ay isinama namin ang argumento tungkol dito. Sa peseta ni Hudas ay nagtamo siya ng eternal life sana, pero pinili niyang mamahinga dahil sa bigat na dala ng ika-tatlumpong bahagi ng lahat ng kasalanan sa mundo.

4) Mga clue sa paghahanap sa peseta. Alam n'yo ba na kung hindi sa amin ay hindi maririnig ng direktor kuno ang salitang alibata? (Akala nga niya totoo ang mitolohiya ng peseta) Mula sa Kali ni Humabon, sa background ng obra ni Juan Luna na "Blood Compact" hanggang sa tattoo sa p'wet ng batang character na si Woog. (Si Woog ay ipinangalan mula sa poodle ng isa sa amin -- Woogle ang kumpletong pangalan niya) Mga clue sa templo at balisong sa puntod ng dating PHILCAG.

Malabo 'atang sabihin na siya ang naka-isip noon, 'di ba?

5) Ang mga Yakusang naghahangad sa kapangyarihan ng peseta.

Hindi kami humihingi ng pag-boycott sa pelikula. Ini-encourage namin kayo na panoorin ito para ma-substantiate ang aming claim.

Sa susunod ay ipo-post namin ang last revision na ginawa namin para lalong masabaw ang pagbubusisi sa isang krimen na naganap.

2 comments:

plastikman said...

DIREKTOR-DIREKTORAN

ACT 1 - NAKAWAN
Ilapat mo ang iyong mga paa sa lupa at imulat ang iyong mga mata sa katotohanan. Hindi ito parte ng PELIKULA mo na puwede mong lagyan ng SPECIAL EFFECTS, at kung'di mo magustuhan ay puwede mong i-edit.
Ang hirap sa yo 'kala mo lagi kang nasa SET.(BA)Boy 'ndi to pelikula na you can do anything you want! Hindi ka nagpapatawa, at hindi ka nakakatawa!

ACT 2 - BABOYAN
Maiintindihan mo siguro yung mga naghihikahos na mag nakaw para mabuhay. Pero sa taong nasa mataas na pedestal na pag samantalahan at nakawan ang isang maliit na tao, na nag hahanap buhay sa malinis na pamamaraan ay kamuhi-muhi. DIREKTOR-DIREKTORAN, isa kang BABOY!

(TO BE CONT'D)

Iskul Buko Reunion at ang Huling Peseta ni Hudas said...

I agree with plastikman. Pero hindi kaya siya kasing plastik ni Direk Mongoloid? Hehehehe.... Tanong lang po...