Thursday, November 6, 2008

Original Teaser ng Bruno Baticobra

Para mas masabaw ang ating sopas, 'eto ang original teaser ng Bruno Baticobra. May mga revisions rin na nangyari after this. Ipa-publish rin namin para mai-compare kung may malisyosong pangdarambong ng konsepto ngang naganap.



BRUNO BATICOBRA
at ang
HULING PESETA NI HUDAS



TEASER A - EXT. TEMPLO NI BUR-BUR / SNOWY DAY

(Templo of Bur-bur is located in Mahabharat Range, in
Nepal, in the rim of snow-covered Lhotse Volcano.)
Open on a twisted branch of an old tree. Trickles of snow,
with intermittent gust of wind sways the branch. Howls of
wolves are heard.

Chargen: Temple of Bur-bur, Lhotse Volcano,
Mahabharat Range, Nepal / January 01, 2000
11:57:01 AM

Camera slowly tracks out and we hear slash that rips like a
whip. Pupulupot ang baticobra sa sanga. Camera holds a
beat, a bag is put on the parapet and Bruno’s hand enters
frame.

We hear radio static. Humihingal si Bruno Baticobra nang
makakuha siya ng solid footing sa parapet and slings on his
bag.

Kakalagin ni Bruno ang baticobra.

Sa kinatatayuan ni Bruno, kita na ang silhouette ni Bur-bur
sa gilid ng bulkan. It is lit in unsteady glow of red.
Papaikutin ni Bruno ang baticobra. Ipupukol sa direction ni
Bur-bur.

Pupulupot ang baticobra sa leeg ni Bur-bur.
Bruno swings. Babangga siya sa katawan ni Bur-bur and
grimaces in pain.

CUT AWAY TO:
2.
TEASER B - EXT POKHARA RIVER / SNOWY DAY
Chargen: Pokhara Basin
Mahabharat Range, Nepal /
January 01, 2000 11:58:32 AM

Open sa butas sa ice. Dinig ang radio static at ang radio
ay somewhere na mahahagip ng camera when it pulls out.
Camera tracks out. Hawak ni Ruben ang line. Nanginginig
siya sa ginaw, nakaupo sa tabi ng bonfire. Kita ang sled ng
piper plane.

Shift camera. Nagmumuni-muni si Ruben.

RUBEN: (OFF CAM)
Bakit kaya maraming Chinese
military kangina sa paanan ng
bundok? Pipigilin kaya nila si
Bossing para magunaw ang village
sa ibaba at mapilitan makipagtreaty
sa China ang Nepal? Let’s
see -- (FACE LIGHTS UP) Ups!

A flapping fish on a line is pulled out.
Nagpapapalag ang isda na pinipilit ni Ruben ilagay sa
basket.

Masisipa niya ang radio.

RUBEN:
Kakantutsa!

CUT AWAY TO:

TEASER C - EXT. TEMPLO NI BUR-BUR / SNOWY DAY

Bruno recovers, continue to climb to the direction of the
diadem. Lalakas ang hangin; snow blind si Bruno.
A pack of wolves gathers at the foot of the Bur-bur; their
teeth gnashing, their howls more frightening than that of
the wind.

Sasabit at malalaglag ang bag ni Bruno. Lalapain ito ng mga
wolves. Nang walang nakuhang karne, hayok na titingin ang
mga wolves sa kanya at dadambahin ang rebulto, magpupumilit
panhikin.

CUT AWAY TO:

3.
TEASER D - EXT POKHARA RIVER / SNOWY DAY
Mula sa kinatatayuan ni Ruben, kita niya ang mga papaahong
military vehicles papunta sa templo. nagmamadaling
dadamputin ni Ruben ang radio pero masisipa niya ulit ito
papalayo.
Matapos masipa-sipa sa paghabol sa madulas na ice, at pagalalay
sa nagpapapalag na isda, makukuha rin ni Ruben ang
radio.

RUBEN:
Calling Snake One. This is snake
two. Nakuha mo na ba ang bato?
Bossing kailangan na nating
lumipad.

CUT AWAY TO:
TEASER E - EXT. TEMPLO NI BUR-BUR / SNOWY DAY

The snow gush is subsiding; Bruno is trying to get a good
grip.

BRUNO:
Ba’t marunong ka pa sa akin?

RUBEN: (RADIO)
Eh, kase --

BRUNO:
Lilipad ka lang, kung sinabi! OK?

CUT AWAY TO:

TEASER F - EXT POKHARA RIVER / SNOWY DAY

Nakatingin si Ruben sa mga sasakyan.

RUBEN:
Sinabi mo e...

CUT AWAY TO:

TEASER G - EXT. TEMPLO NI BUR-BUR / SNOWY DAY
Papanhikin ni Bruno ang noo ni Bur-bur na kinaroroonan ng
diadem. He stretches his arm para abutin ang bato. Hirap na
hirap siya.

Kakapit siya sa mga palapang kahoy ng corona ni Bur-bur.
Mahihina na ang mga ito dahil sa tanda. Mapuputol ang una
niyang kinakapitan, dadausdos siya.

Angilan ang mga wolves sa ibaba; tutulo ang laway.
Nang makakuha ng balance, titingin si Bruno sa relo. His
watch says 11:59:55.

BRUNO:
Malalaman natin kung totoo ang
alamat na sasabog nga ang bulkan
kung mananatili ang bato kay Burbur
sa pagsapit unang tanghaling
tapat ng ikalawang milenyo.

Inaabot ni Bruno ang bato nang matanaw niya ang mga
military vehicles.

Titingin siya sa relo. Lampas na sa 12:00 noon.

BRUNO:
(TO RADIO:) Bakit hindi mo sinabi
na nandito na ang army!?

RUBEN: (RADIO)
Sinabi pero --

BRUNO:
Ano ba!? Lipad na!

CUT AWAY TO:

TEASER H - EXT POKHARA RIVER / SNOWY DAY

Nagmamadali si Ruben. Natataranta. Pabalik-balik. Finally,
nag-decide siyang ilagay na ang isda sa eroplano. He cranks
the propeller pero ayaw umistart ang eroplano.

RUBEN:
Salamabit...

CUT AWAY TO:

TEASER I - EXT. TEMPLO NI BUR-BUR / SNOWY DAY

Finally, maabot ni Bruno ang diadem. Ngingiti siya.
Lilindol. Mawawala ang ngiti ni Bruno.

BRUNO:
Totoo nga ‘ata ang alamat --
Ilalagay niya sa leather pouch sa kanyang sinturon ang
diadem at lalambitin sa kahoy, ready to swing back to the
parapet.

Sunod-sunod na putok. Machine gun.
Makikita ang army, bumabaril.

Atras si Bruno; palipat-lipat nang tago sa ulo ni Bur-bur,
umiiwas sa mga bala, bumabaril ng kanyang Colt 45 model
1911 paminsan-minsan.

Shot sa bulkan sa sumasabog.

Shot sa umaagos na lava.

Matataranta ang mga wolves, magpupulasan.
Madudulas sa kinalalagyan si Bruno. Umaagos na ang lava sa
kanyang paanan. May mga wolves na mahahagip ng pagragasa ng
lava.

Raratrat ang mga bala.

CUT AWAY TO:

TEASER J - EXT POKHARA RIVER / SNOWY DAY

Tambutso ng piper. The engine coughs and a ball of smoke is
belched out.

Ruben cranks the propeller some more. Matutuwa siya nang
umandar ito.

RUBEN:
Yippeeeeee!!!!!

Ruben hops in the cockpit ang the piper crawls for the take
off.

CUT AWAY TO:

TEASER K - EXT. TEMPLO NI BUR-BUR / SNOWY DAY

Mababali ang tiarang kahoy sa corona ni Bur-bur dahil sa
pagburda ng bala.

Tutumba ang rebulto ni Bur-bur sa paglakas ng lindol. Bruno
is able to throw his baticobra to a piece of wooden ledge,
pero masisira ito sa kanyang bigat.

Kasama nitong mahuhulog si Bruno, pabagsak sa rumaragasang
lava.

CONTINUE TO:

TEASER L - EXT. LAVA SWAMP APPROACHING STONE BRIDGE

Bruno surfs the lava, humahabol sa gilid ng embankment ang
mga Chinese militia. May nadudulas at nalulunod sa lava,
may nakakatalon sa mga bato, pero not enough to catch up
with Bruno.

Mula sa kinalalagyan niya, makikita ang mga Chinese Militia
lining themselves sa ibabaw ng stone bridge.
Sesenyas ang leader to prepare to fire. Magkakasahan ng
Kalashnikov ang mga Chinese.

React si Bruno.

The leader flags down to fire.
Shot sa muzzles ng Kalashnikovs spewing bullets.
Iilag si Bruno; the board he was on fritters away to the
bullets. Papaliit nang papaliit.

RUBEN:
Yiiippppeeee yooo!!!! Up here!
Ruben dives towards Bruno.
Bruno swings the baticobra.
Pupulupot ang baticobra sa sled ng piper.
Bruno hangs on, lilipad papalayo ang piper.
Galit ang mga Chinese, raising their fists in curse.
Bruno pulls himself up and slides into the cockpit.

CUT TO:

TEASER M - COCKPIT / SKYLINE - NIGHT

Bruno settles.

BRUNO:
Pukala ala! Muntik na ako doon
ah.

May mararamdaman sa inuupuan. Kukunin niya ang isda.
Itatapon.

BRUNO:
Bakit me isda rito!?

RUBEN:
Nahuli ko. Para me tanghalian
tayo.

BRUNO:
Tanghalian ba natin ‘yun?

RUBEN:
Oo. bakit?

Manghihinayang si Bruno. May masasalat ulit.

BRUNO:
Buti meron pang isa.

RUBEN:
Bossing, isa lang nahuli ko.

Kinakabahan na iaangat ni Bruno ang nasalat. He comes up
with an anaconda.

Bruno struggles with it and finally able to throw it out
the plane.

RUBEN:
Something wrong, Bossing?

BRUNO:
W-wala. Gusto mo, buratsilog na
lang ang tanghalian natin?

RUBEN:
Bastos mo, Bossing...

BRUNO:
Ikaw nga ang malisyoso d’yan e.
Buratsilog -- burger, atchara,
sinangag, itlog.

Cut to:

Skyline / day. The piper glides in the sky, coming towards
the cam in a slight upward tilt; the volcano in the
background had stopped erupting.

RUBEN: (OFF CAM)
Sarap! Meron ba dito sa Nepal
no’on?

BRUNO: (OFF CAM)
Wala. Sa Timog. Kaya bilisan mo
ang
lipad.

Plane flies off screen.

CROSS DISSOLVE
TO:

TEASER - N / EXT. SKYLINE / SUN UP.

Makikita ang piper na lumilipad; background ang papalubog
na araw. Title card appears:

Vic Sotto

Bruno Baticobra
at ang
Huling Peseta ni Hudas

END OF TEASER


*******
Ang mga Red Chinese na kalaban rito ay pinalitan ng "direktor" kuno ng mga katutubong mala-Apocalypto, dahil gusto rin niyang nakawin ang idea ng pelikula ni Mel Gibson. Nawala ang maraming elemento rito dahil sa revision. (We will post it later) Pero malamang na maiwan ang elemento ng malaking istatwa. Hindi kami sure, though.

1 comment:

plastikman said...

DIREKTOR-DIREKTORAN

ACT 1 - NAKAWAN
Ilapat mo ang iyong mga paa sa lupa at imulat ang iyong mga mata sa katotohanan. Hindi ito parte ng PELIKULA mo na puwede mong lagyan ng SPECIAL EFFECTS, at kung'di mo magustuhan ay puwede mong i-edit.
Ang hirap sa yo 'kala mo lagi kang nasa SET.(BA)Boy 'ndi to pelikula na you can do anything you want! Hindi ka nagpapatawa, at hindi ka nakakatawa!

ACT 2 - BABOYAN
Maiintindihan mo siguro yung mga naghihikahos na mag nakaw para mabuhay. Pero sa taong nasa mataas na pedestal na pag samantalahan at nakawan ang isang maliit na tao, na nag hahanap buhay sa malinis na pamamaraan ay kamuhi-muhi. DIREKTOR-DIREKTORAN, isa kang BABOY!

(TO BE CONT'D)